Chapter 39

4.3K 170 17
                                    

Third Person's POV

"Kumikilos na ang Taker ng kalaban. Magmadali kayo."

Kalmadong utos ni Uno, na agad namang sinunod ng kanyang mga myembro.

At ng makita ang kapatid na naka tayo lamang habang pinagmamasdan ang sandata na nasa kanyang braso ay nilapitan niya eto.

"Bakit nandito ka pa sa middle field? Hindi ba't dapat nagbabantay ka sa Tower? May mga makakasama na ako dito, at susunod ako sa Tower kapag dumating na ang Taker natin at ang mga Defender."

Deretso niyang sabi, ngunit tinignan lamang siya ng kapatid at ngumisi.

"Alam mo ba kung sino ang Taker ng kalaban?"

Naka ngisi netong tanong.

"Who?"

Kunot ang noong tanong ni Uno.

"Your beloved Bullet."

Sagot ni Akiko at lumake ang pagkaka ngisi.

Na palihim na ikina gulat ni Uno.

At ng walang ibang masabi ay muling nag salita si Akiko.

"Kaya hindi ako ang mag aabang at magbabantay ng Tower. Because tonight, i am the Taker. At hindi na mauulit ang nangyaring pagbibigay mo noong ikalawang TW, because it will be Taker to Taker."

Seryoso niyang sabi at mabilis na tumakbo.

"AKIKO COME BACK HERE!!"

Sigaw ni Uno ngunit hindi siya nilingon ng kapatid.

Tatakbo sana siya upang sumunod ng biglang sumulpot ang mga Custos, at paligiran siya at ang kanyang mga kasamahan, kaya't inihanda niya ang kanyang sarili.

At ng lingunin ang gawing tinahak ng kapatid at hindi na eto makita ay napa mura na lamang siya sa kanyang isipan at itinuon ang atensyon sa laban.

~~

Habang tumatakbo ay nakikita na ni Bullet ang mataas na mesa na tila gawa sa bakal at ang ikatlong Gem na nasa gitna neto.

Bukod doon ay nakikita din niya ang mga kasamahan at kalaban na nagtutunggali.

Kaya binilisan niya ang kanyang pag takbo habang deretsong naka tingin lamang sa Gem na pinag aagawan ng dalawang panig.

"Ross, sino sa Sicarius ang Taker. Para malaman ko ang kalaban ko."

Tanong ni Bullet kay Ross na nakikinig sa kabilang linya.

[Hindi ko--]

"I'm the Taker, bitch!"

Hindi na narinig ni Bullet ang ibang sinabi ni Ross ng bigla na lamang sumulpot si Akiko sa harapan niya at hagisan siya ng tatlong patalim na agad naman niyang naiwasan.

Ng huminto si Bullet ay blangkong pinagmasdan niya si Akiko na naka ngisi sa kanya.

"Alam ko na kung sino."

Angel With A Gun (Completed/Unedited)Where stories live. Discover now