Chapter 50

3.7K 145 1
                                    


Third Person's POV

"Axia."

Bahagyang gumalaw si Axia sa pag tawag at marahan na pag tapik sa kanya ng babae.

"Axia, bakit dyan ka natutulog?"

Tanong neto.

Tuluyan ng nagising si Axia, at kahit nanlalabo ang mga mata ay pinilit niyang kilalanin ang gumising sa kanya.

"Emilya?"

Mahina niyang tanong.

"Ako nga, anong ginagawa mo diyan? Bakit hindi ka sa kwarto niya natulog?"

Muling tanong ng tinawag niyang Emilya.

Hindi naman iyon sinagot ni Axia at nanghihinang bumangon.

Panay ang pag pikit niya na tila ibinabalik ang pagkaka linaw ng kanyang paningin.

At ng luminaw na ay inilibot niya ang kanyang tingin at muling ibinalik kay Emilya.

"Mauuna na ako."

Walang ganang sabi niya at tatayo sana ng pigilan siya ni Emilya.

"Iiwanan mo nanaman ba siya?"

Tanong neto.

At ng hindi maka sagot si Axia ay muli etong nag salita.

"Sapat lang ang medikal na atensyon na nakukuha niya. Sa tingin ko ang presensya mo lamang ang kailangan niya, para tuluyan siyang magising. Tama na ang pag layo Axia, kahit parang natutulog siya at walang malay. Alam kong kailangan ka niya at hinahanap ka niya."

Tumigil sa pagsasalita si Emilya at may kinuha sa maliit niyang bulsa.

"Eto."

Inilahad ni Emilya ang maliit na bagay na tila isang traker.

"Heartbeat tracker ang tawag dyan. At konektado yan sa kanya. Kapag naka hinto lamang ang pulang ilaw na yan tulad ngayon, ibig sabihin ay normal lamang ang tibok ng puso niya. Kung tuloy tuloy naman ang pag ilaw, ibig sabihin ay may saya siyang nararamdaman o ibang emosyon. Eto ang matagal ko ng gustong ibigay sayo, pero lagi kang wala at kung dadalaw ka naman ay bigla bigla ka na lamang mawawalang parang bula."

Pinagmamasdan lamang ni Axia ang traker na nasa harapan niya.

At ng sa tingin ni Emilya na wala etong balak na kunin iyon sa kanya, ay kusa niya iyong inilagay sa kamay ni Axia.

"Subukan mong puntahan siya kasama ang bagay na yan. At malalaman mo ang ibig kong sabihin."

Ng maibigay at masabi iyon ni Emilya, ay tinalikuran niya si Axia na naka titig lamang sa traker na ibinigay sa kanya.

Ngunit nahinto si Emilya sa paglalakad at patagilid na nilingon muli si Axia.

"Ikaw ang lagi niyang hinihintay."

Naka ngiting sabi ni Emilya at nagpa tuloy sa paglalakad.

~~

Ramdam ni Axia ang bilis ng tibok ng kanyang puso habang naka tayo sa puting pinto.

Humugot siya ng malalim na hininga bago iyon buksan.

Pagka bukas ay alanganin siyang pumasok at mahinto.

Inilibot niya ang kanyang tingin sa silid at makita ang mga makina at aparato.

Ngunit natigil at napako ang kanyang tingin sa naka higa sa kama at tila mahimbing na natutulog.

Angel With A Gun (Completed/Unedited)Where stories live. Discover now