Chapter 52

3.7K 153 12
                                    

THIRD PERSON'S POV

Natigil si Kirby sa pagbabasa ng marinig ang pag bukas ng pinto.

At ng makita si Chase na pumasok ay tsaka lamang niya ibinaba ang hawak na libro.

"Bakit hindi mo ako tinawagan sir Chase, sana nasundo kita at hindi nabasa sa ulan."

Sabi niya habang sinusundan ng tingin si Chase hanggang sa maka akyat eto ng hagdan, at hindi binigyang pansin ang kanyang sinabi.

Inayos niya ang suot na salamin at tahimik na lamang na sinundan eto ng tingin.

Samantalang pagka akyat ni Chase at makarating sa kanyang silid, ay malakas at pagalit na isinara niya ang kanyang pinto.

Isinandal niya ang kanyang likod at pikit matang tumingala, habang naka kuyom ang dalawang kamao.

Ng idilat niya ang kanyang mga mata ay ibinaba niya ang kanyang tingin at binuksan ang isang naka kuyom na kamao at makita ang hawak na kwintas na kanyang kinuha mula sa leeg ni Bullet.

"Kung may insensitive man sa ating dalawa. Ikaw yun at hindi ako. Tama ka, may ibang Guardian ang mas deserve ang family crest na yan. Pero huwag kang umasa na may makakasama kang Guardian habang buhay. Dahil ako ang patunay nun."

At ng bumalik ang mga salitang iyon mula kay Bullet ay muli niyang naikuyom ang kamaong may hawak sa kwintas at malakas iyong inihagis sa kung saan.

~~~

Tulalang naka tayo lamang si Bullet sa harapan ng pinto.

Hindi alintana ang halos matuyong basa sa kanyang buong katawan.

Habang paulit ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang mga binitawang salita ni Chase.

"This family crest, deserves a Guardian that is better. Better than you."

"Bilis Gabby, baka lalong lumakas ang ulan. Wala pa namang dalang payong yun!! Sa gate na lang natin hintayin si Bul...let..."

Bumukas ang pinto na kaharap ni Bullet at tumambad ang papalabas sanang sila Gabby na hila ni Karlly na nagulat naman sa kanyang kaharap na si Bullet.

"B-bullet?"

Mahinang tawag ni Karlly na hindi pa din nawawala ang pagka gulat.

At ng matauhan ay agad siyang umayos ng tayo.

"Bullet!"

Muli niyang tawag kay Bullet na tulala pa ding naka tayo at tila hindi pansin ang dalawa sa kanyang harapan.

"Bullet naman! Basang basa ka! Tara dito sa loob bilis!"

Natatarantang sabi ni Karlly at hinila papasok si Bullet sa kanilang silid.

Bahagyang natauhan si Bullet at sinundan ng tingin si Karlly na nagmamadaling kumuha ng pamunas.

At ng maka kuha ay mabilis siyang bumalik sa harapan ni Bullet at inabot iyon.

Dahan dahan namang ibinaba ni Bullet ang kanyang tingin sa pamunas na naka lahad sa kanya at tulalang pinagmasdan lamang iyon.

"Ok ka lang ba?"

Tanong ni Karlly.

At ng hindi siya sagutin ni Bullet ay napa iling na lamang siya at pupunasan na lamang sana si Bullet ng may mapansin siya sa leeg neto.

"Anong nangyari sa leeg mo? Bakit may dugo at namumula?"

Takang tanong ni Karlly at pinunasan ang nakitang dugo na ikina inda ni Bullet dahil sa naramdamang hapdi.

Angel With A Gun (Completed/Unedited)Onde histórias criam vida. Descubra agora