Chapter 72

2.8K 139 5
                                    

THIRD PERSON'S POV

Nahinto sa pag guhit si Gabby ng maputol ang dulo ng kanyang panulat.

Tahimik niya iyong pinagmasdan at mapa tingala sa madilim na kalangitan at walang mga bituin na tila nag dadalumhati.

Na ibaba ni Gabby ang kanyang tingin ng makarinig ng yabag, at walang gana na nilingon ang pinang galingan niyon. At makita ang isang lalakeng kulay pilak ang buhok, naka uniporme at naka tayo sa ilalim ng malaking puno habang naka pamulsa ang isang kamay at may hawak na itim na rosas at naka tingin sa kanya.

Walang sabing inalis na Gabby ang tingin sa lalake at tumayo.

Tahimik  niya etong tinalikuran at nag lakad palayo.

At ang lalake naman, ay tahimik ding pinagmamasdan si Gabby na papalayo hanggang sa lamunin eto ng dilim.

At ng maka layo ay walang gana na huminto si Gabby sa paglalakad.

Napa hawak siya sa katabing puno at dahan dahan na napapa upo habang naka sandal.

Inilagay niya ang hawak na kwaderno sa kanyang dibdib at isinadal ang naka yukong ulo sa kanyang tuhod.

~~~~~

Nanlalake ang mga matang dahan dahan na ibinababa ni Axia ang kanyang tingin.

At ng makita ang walang buhay na si Karlly na nasa kanyang paanan, ay bahagya siyag nawalan ng balanse dahil sa panghihina.

Pinilit niyang umayos ng tayo habang naka lagay ang isang kamay sa kanyang bibig, ngunit hindi nawawala ang panginginig ng kanyang buong katawan, habang naka tingin sa mga naka bukas na mga mata ni Karlly.

"Anong kaguluhan--"

Ang bagong dating na sila Ross kasama si X, ay nahinto at manlake ang mata ng makita si Karlly ng bigyang daan sila ng kanilang mga estudyante.

Halos walang salita ang lumalabas sa kanyang bibig, at si X na agad naka bawi ay malakas ang loob na nilapitan ang katawan ni Karlly.

Yumuko siya upang maka pantay niya eto, sandali niya etong pinagmasdan bago kapain ang pulso sa gilid ng leeg neto. At ng walang makapa ay humugot siya ng malalim na hininga at inilapit niya ang isang kamay at maingat na isinara ang mga mata ni Karlly.

Muling napa hugot ng hininga si X bago tumayo, at pagka tayo niya ay napa tingin siya sa katabing si Axia na hindi pa din inaalis ang gulat at hindi makapaniwalang reaksyon.

"Mag tungo kayo sa clinic at sabihin niyo ang insidenteng eto."

Utos ni X sa dalawa niyang estudyante na alanganing tumango bilang sagot.

Muli namang nilingon ni X si Karlly sa huling pagkakataon, bago niya eto talikuran at lapitan si Ross na na tulala.

Samantalang si Chase na mabilis na naka bawi sa insidente, ay napa tingin sa itaas at makita si Bullet na nanatiling naka bagsak habang hawak ang na kuhang laso at tanging naka tulala lamang, at kusang  matuyo ang mga luha dahil sa lakas ng hangin.

At dahil sa matinding pag aalala ni Chase, mabilis siyang umalis sa kanyang kinatatayuan at mabilis ding tumakbo papasok ng gusali.

Mabilis siyang nakarating sa pinaka itaas ng gusali, at deretsong lumabas sa naka bukas na pinto at agad na nakita si Bullet na naka bagsak sa pinaka dulo.

Angel With A Gun (Completed/Unedited)Where stories live. Discover now