Chapter 58

3.6K 196 32
                                    

BULLET'S POV

"A-anong..anong sinabi mo?"

Mahina at hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Ross.

Isanara ko ang pinto at nag lakad palapit sa kanya.

Sandali ko siyang pinagmasdan bago ako muling mag salita.

"Tinatanggap ko na ang pagiging Alpha."

Deretso kong ulit.

Sunod sunod siyang napa kurap at napa lingon kay X na naka tayo hindi kalayuan sa kanya.

"Tama ba ang naririnig ko?"

Pabulong niyang tanong.

Napa tingin naman ako kay X, patagilid na ibinuga niya ang usok sa katabing bukas na bintana, at nagkibit balikat sabay ngisi.

Naka ngangang ibinalik ni Ross ang tingin sa akin, at unti unting napapa ngiti.

"Bullet.."

Naka ngiti niyang sabi at napa hawak sa dibdib.

"H-hindi mo alam kung gaano ako kasaya, dahil sa sinabi mo!"

Masaya niyang sabi habang naka hawak pa din sa dibdib niya.

Magsasalita pa sana siya pero muli siyang napa ngiti at agad na nilapitan ako para yakapin.

"Thank you."

Bulong niya.

Kumalas siya sa pagkaka yakap sa akin at hinarap ako.

"Anong dahilan kung bakit biglang nagbago ang isip mo?"

Tanong niya na hindi nawawala ang pagkaka ngiti.

Hindi agad ako naka sagot sa tanong niya at na ikuyom ang kamao ko.

"Dahil kay Axia."

Seryoso kong sagot na ikina kunot niya ng noo.

"Axia? Nandito na siya? Nasaan siya?"

Sunod sunod niyang tanong na ikina taka ko naman ngayon.

"Oo. Hindi pa ba nagpapa kita sayo?"

Taka kong tanong.

Alam kong ilang araw ng hindi nagpapakita si Axia, pagkatapos ng nangyari sa bahay ni Doc Jacob.

Pero hindi ko alam na hanggang ngayon ay hindi pa din pala siya nagpapakita.

Teka.

"Ibig sabihin hindi mo pa alam?"

Tanong ko.

"Huh? Hindi, kayong dalawa nga ang nawawala ng ilang araw na--"

"Hindi yan ang ibig kong sabihin."

Angel With A Gun (Completed/Unedited)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें