Chapter 63

3.5K 171 15
                                    

THIRD PERSON'S POV

Inihinto ni Ross ang kanyang sasakyan sa tapat ng gusali ng mga Custos.

Nilingon niya si Bullet na walang imik.

"Magpahinga ka na Bullet. Maaga pa ang ensayo niyo bukas."

Basag ni Ross sa katahimikan.

Napa buga siya ng hangin ng hindi siya kibuin.

"Pero kung gusto mo munang mapag isa, hahayaan na muna kita. Itatalaga ko na lang si X bukas--"

"Tama ba na hinanap ko pa siya?"

Wala sa sariling tanong ni Bullet.

"Ng makita ko siya kung gaano siya kasaya sa bago niyang pamilya, pumasok sa isip ko na baka hindi naman niya talaga ako hinahanap tulad ng paghahanap ko sa kanya at baka talagang plano niyang iwan ako."

Na alis naman ni Ross ang tingin kaya Bullet, at binalot sila ng panandaliang katahimikan.

"Kahit na isa akong ina, hindi ko masasagot ang tanong mong yan dahil magka iba kami ng sitwasyon. Na iintindihan kita kung bakit wala kang lakas ng loob na harapin siya, magpakilala bilang anak niya at tanungin kung bakit ka niya iniwan."

Sagot ni Ross na sa harapan lamang naka tingin.

"Pero hindi pwedeng habang buhay mong itanong yan sa sarili mo, at husgahan ang iyong ina. Dahil ikaw din ang mahihirapan at masasaktan. Kung ano man at kapag nalaman mo na ang kasagutan sa katanungan mo, matapang mong tanggapin iyon."

Napa tingin sa ibang gawi si Bullet, upang hindi makita ang muling hindi mapigilan na emosyon.

Ngunit napansin iyon ni Ross at napa hugot ng malalim na hininga.

Sandali niyang pinagmasdan si Bullet bago pag pasyahan na yakapin eto.

"I believe in you Bullet. Na niniwala akong malalagpasan mo 'to. You're a fighter, and you're an Alpha."

Senserong bulong ni Ross habang hinihimas ang balikat ni Bullet.

Dahil sa kanyang sinabi at ginawang pag yakap ay hinarap siya ni Bullet at isiniksik ang sarili neto habang tahimik na umiiyak.

"It's ok. Just cry."

Muling bulong ni Ross.

••••

"I think i should congratulate the person who did that to you. He has the guts to punched the great Alpha of the Sicarius."

Natatawang sabi ni Akiko habang pinagmamasdan si Uno na nasa harapan ng salamin.

Ibinaba naman ni Uno ang hawak na bulak at nilingon ang kapatid.

"Go back to your room Aki, the real practice will start tomorrow."

Seryosong sabi ni Uno na binalewala ang pangungutya ng kapatid, at tinalikuran eto.

Napa tawa naman ng mahina si Akiko at sumunod kay Uno.

"Now that i'm not the Omega, i can be a rebel now."

Naka ngisi niyang sabi.

Muli siyang nilingon ni Uno at tinaasan ng isang kilay.

Angel With A Gun (Completed/Unedited)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن