Chapter 61

3.6K 160 11
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Ang tagal naman nila."

Naka ngusong bulong ni Karlly, na naghihintay sa pag balik nila Bullet at Gabby.

Napa buga siya ng hangin, at patamad na ipinatong ang baba sa kanyang tuhod habang naka hawak sa dalawa niyang binti.

Ngunit agad siyang na alerto ng may makita siyang pamilyar na mukha hindi kalayuan sa kanya.

Pinagmasdan na muna niya ang mga nagpapa hinga na kasamahan bago tumayo mula sa pagkaka upo.

Muli niyang tinapunan ng tingin ang mga kasamahan bago magpasyang mag lakad.

Deretso at maingat ang kanyang paglalakad, hanggang sa makarating siya sa pinaka gitna ng gubat, kung saan malayo sa kanyang mga kasamahan.

"Mama."

Mahina niyang tawag habang inililibot ang tingin.

At hindi nag tagal ay lumabas ang kanyang ina sa isang puno at ibinaba ang tumatakip na tela sa kanyang uluhan.

"Karlly."

Naka ngiting sabi neto.

Napa ngiti din si Karlly at nilapitan ang ina at niyakap eto.

"Kamusta?"

Pangangamusta ng kanyang ina.

Kumalas naman si Karlly mula sa kanilang yakapan, at sumagot..

"Maayos naman po. Kayo sa atin? Kamusta?"

Tanong niya.

Ngumiti naman ng malungkot ang kanyang ina, at umiling.

Tila naintindihan naman iyon ni Karlly at napa yuko.

Hinawakan ng kanyang ina ang kanyang mukha at muling ipinaharap sa kanya.

"Kaya kailangan niyo ng mag madali ng iyong ama. Kailangan niyo ng matapos ang plano."

Maotoridad na sabi neto.

"Tatlong araw mula ngayon, ang ika apat at ang huling TW namin. At muling magaganap ang Bloody War."

Pagpapaalam ni Karlly.

Sandali namang natigil ang kanyang ina at ng maka bawi ay muli etong nag salita.

"Umaayon ang lahat sa plano. Sinong mag aakala, na muling ma uulit ang madugong labanan noon? Sigurado akong eto ang tamang panahon upang maningil."

Deretsong sabi neto at ikinuyom ang dalawang kamao.

"Ang tamang panahon, upang lumaya at magising ang iba sa katotohanan."

Pagpapa tuloy neto.

Muli niyang tinignan ang anak, at mula sa kanyang mahabang kasuotan ay may kinuha siya sa loob neto at inilahad ang dalawang sobre na kulay puti at itim.

Angel With A Gun (Completed/Unedited)Where stories live. Discover now