Chapter Thirty Two

3.6K 107 7
                                    

ARIANNA

ILANG araw matapos ang graduation ay imbis na naghahanap ako ng trabaho tulad ng ginagawa ng ibang ka-batch mate ko ay nandito ako sa tabi ng anak kong natutulog at yakap yakap ko siya. Pinakatitigan ko ang anak ko na kaharap ko habang nakatagilid ako. Palagi ko itong ginagawa lalo na noong pagod ako kaka-aral at kakagaling ko lang sa trabaho at kapag namimiss ko si Declan. Para na rin kasi akong nakatingin sa ama niya. Para silang pinagbiyak na bunga, at tanging kulay lang ng mata ang namana saakin ni Lucas, at bukod 'don, wala na.

Declan na Declan na.

Hinalikan ko ang noo ng anak ko at hinaplos ang buhok niya. Nagbabadya nanamang luha namuo sa gilid ng mga mata ko. "Sorry anak...hindi ko binigyan ng pagkakataon ang daddy mo na magpaliwanag saakin..." suminghot ako. "Edi sana, lumaki ka ng may ama."

Tinawag kong selfish si Declan noong mga panahon na 'yon, pero ngayong narinig ko ang paliwanag ni Tiyong at ang mga kwento niya, ako pala. Ako pala 'yung selfish saaming dalawa, dahil mas inuna ko ang galit ko. Mas pina-naig ko ang galit ko kaysa ang maramdaman ang pagmamahal niya na gustong gusto akong protektahan.

"Sorry anak..." bulong ko ulit habang hinahalik halikan ko ang ulo niya.

"Hindi naman sapat ang sorry, Arianna." Napalingon ako sa pinggalingan ng boses. Nakita ko 'don si Tiyong na nakasandal sa hamba ng pintuan. Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko na napansin na nandito na siya sa kwarto namin ng anak ko.

"Tiyong..."

"Aanhin ng anak mo ang sorry mo kung 'yung inihihingi mo ng tawad eh hindi mo naman sinusulusyunan?" Napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya.

Napailing siya. "Lumalaki na ang anak mo, sana sapat na 'yon na dahilan para bigyan siya ng ama. Dahil sa totoo naman, gustong gusto siyang makasama ng ama niya. Masyadon ng unfair kung hindi mo pa ipapakilala sa isa't isa ang mag-ama mo."

"Hindi ko na alam ang gagawin ko tiyong." Nanatili ang tingin ko sa anak ko. "Pakiramdam ko, 'yung mga sinabi ko kay Macey noon, at ang mga inisip ko...'yung mga panghuhusga ko kay Declan, pakiramdam ko, para saakin lahat 'yon. Pakiramdam ko, ako 'yung makasarili saaming dalawa. Pakiramdam ko... ako 'yung dapat sisihin sa lahat."

"TOTOO nga yung sabi nila, na nasa huli 'yung pagsisisi, kasi 'yon ang nararamdaman ko ngayon. Sana pala pinakinggan ko 'yung explanation niya. Sana nagtiwala ako nung sinabi niyang mahal niya ako. Sana hindi ako nagpadaig sa galit at takot...edi sana...hindi lalaki ang anak ko ng walang ama... Sana magkasama kami ngayon."

Maraming sana ang tumatakbo sa isip ko simula ng malaman ko ang totoo, pero laging sa huli ng malalim kong pag-iisip, wala akong magawa kundi ang sisihin ang sarili ko.

Lumapit si Tiyong at umupo sa gilid ng kama. Tinapik niya ang balikat ko. "Ginawa mo lang naman lahat ng 'yon dahil kay Lucas diba? Para sa anak mo?" tanong niya.

Naluluha akong tumango. "Bali-baliktarin man ang mundo, ang kaligtasan parin ni Lucas ang uunahin ko."

"Kung si Declan naman ang gumawa ng ganoong desisyon, mapapatawad mo ba siya?" tanong niya.

Natigilan ako at napatingin sa Tiyuhin ko. "Tiyong..."

"Sa tingin ko, pag sinagot mo ang tanong ko na 'yan, malilinawan ka na."







***

"Naynay, san po tayo pupunta?" tanong ng anak ko. Napatingin ako sa kanya dahil busy ang mga mata kong maningin sa daang tinatahak namin habang nakasakay sa taxi. Napangiti ako sa tanong ng anak ko. Muli akong tumingin sa daan na tinatahak namin. Matapos ang ilang taon, papunta na ako ulit sa kanya.

The Hypothetical Worth [Ace Lucifer's Series One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon