Chapter Fifteen

4.7K 116 5
                                    

Chapter 15

ARIANNA

GABI na nang magising ako. Madilim na ang paligid, at nang ilibot ko ang paningin ko sa kwarto ay wala ng Declan Camerox ang nasa tabi ko. Naka-suot na rin ako ng damit na panibago, at syempre ay damit niya ang suot ko. Pupungas pungas akong tumayo mula sa kama at dumiretso palabas ng kwarto. Dumiretso ako ng baba hanggang sa makarating ako sa kusina.

Nakita ko si Declan na may ginagawa sa kalan. Napadilat ang mata ko, at para bang nawala ang antok ko nang makita ko siya. Para bang may niluluto siya dahil nang tumingin ako sa gilid niya ay may nakita akong plastic. Parang pinagbasyuhan ng kung ano.

Naramdaman niya siguro na may nakatingin sa kanya kaya lumingon siya sa likod ko. Nagtama ang paningin namin, at ngumiti siya pagkatapos.

"Hey, upo ka diyan, tinatapos ko lang 'to." Aniya pagkatapos ay humarap ulit sa kalan. Hindi ko makita kung ano ang ginagawa niya dahil natatakpan 'yon ng matipuno niyang katawan. Nanatili ang pagtatakha ko. Sa pagkakatanda ko, muntik na niyang sunugin angbahay niya nung nakaraan, eh ba't siya nagluluto ngayon?

MAGTATANONG na sana ako, pero hindi na natuloy dahil humarap na siya saakin. Tuluyan na akong naupo. Tinignan ko kung ano ang hawak niya. Halos mapahilamos ako sa mukha ko nang mapagtanto kong dalawang cup noodles ang hawak niya. Gusto kong takpan ang bibig ko para pigilan ang pagtawa o kahit pag-ngiti ko manlang.

"Don't look at me like that. I know I'm terrible at cooking." Inilapag niya sa harap ko ang umuusok na sea food flavor na lucky me cup noodles. Umupo siya sa harap ko at nagsimula na rin siyang kumain. Nanatili ang tingin ko sa kanya. Maya maya pa ay napailing ako.

Gwapo nga, hindi naman marunong magluto.

"Meron ka pa namang kaunting stocks sa ref—"

Hindi ko pa natatapo ang sasabihin ko ang magsalita na siya kaagad. "I swear, this whole damn house will turn into ashes if I tried again."

Napangiti ako sa sinabi niya. "Mayaman ka naman, ba't hindi ka mag-aral magluto?" tanong ko. Nagsimula na rin akong kumain.

Tumingin siya saakin saglit. "Well, manang is there to cook for me, madalas naman nasa labas ako because of my works and responsibilities, so I usually eat foods outside."

"Ang ibig mong sabihin, wala kang oras para magluto?" tanong ko.

Tumango siya. "Yep. Absolutely." Sumubo siya. "Ikaw? How did you know how to cook?"

"Sariling sikap." Kinindatan ko siya ng pabiro.

Natigilan siya sa ginawa ko. Napadila pa siya sa sarili niyang labi at maya-maya pa ay ngumisi siya. "What do you mean, sariling sikap?"

"Starter pack ang itlog at mga de latang ulam. Basta mahirap i-explain. Matagal din ako bago natutong magluto kaya hindi naiwasan ang matalsikan ng mantika."

Napatango siya na para bang namamangha. "I see...hindi naman dumating sa point na nasunog mo ang bahay ng tiyuhin mo?"

Umiling ako. "Hindi ah. Para-paraan lang kasi 'yan, Declan." Natatawa kong sagot. Para siyang batang namamangha sa sinabi ko. Para bang hiyang hiya siya sa sarili niya dahil sa sinabi ko sa kanya.

"You look more radiant now that you smile often." Napailing ako sa sinabi niya.

"Hindi ka ata nagsusungit ngayon?" tanong niya ulit.

The Hypothetical Worth [Ace Lucifer's Series One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon