Chapter Eight

5.8K 160 7
                                    

Chapter 8

ARIANNA

"Masaya ka na? Sana naman ay masaya ka na." tanong ko kay Declan matapos akong tumalikod sa kanya. Akmang yayakapin niya ako kanina pero hindi ako pumayag. Para san? Para kunyari, mukha kaming mag syota o kung ano pa man? Putcha hindi ganon. Nandidiri ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit samantalang kanina ay sarap na sarap naman ako sa ginawa niya. Pakiramdam ko ay may gamot nanaman na naipasok sa katawan ko para pumayag sa gusto niya. Para maangkin niya ako na para bang wala akong karapatan para sa sarili ko.

Patuloy ako sa pag-iyak katulad ng ginawa ko buong araw. Wala akong ganang kumain. Nanghihina na nga ako dahil 'don nadagdagan pa lalo ang sakit ng buong katawan ko dahil sa ginawa namin. Masakit ang pagitan ng hita ko, at ramdam na ramdam ko ang pangangalay ng katawan ko.

"Arianna..." tawag niya saakin. Gumalaw ang kinahihigaan kong kama. Mas lalo kong kinipkip ang kumot sa katawan ko.

"Please, wag mom una akong kausapin." Pakiramdam ko ay ginahasa ako. Pakiramdam ko ay pinagsamantalahan ako, pero hindi eh. Nung tinanong niya ako kanina ay um-oo ako. Pumayag ako. Pumayag ako para sa ikasasaya niya at 'yon ang ikina-iinis ko sa sarili ko! Binigyan ko siya ng kasiyahan sa pamamagitan ng katawan ko samantalang ako, naghihirap ngayon at nandidiri sa sarili ko!

"I'm s-sorry..I-did—"

"Please, gusto ko ng katahimikan." Narinig kong bumuntong hininga siya dahil sa sinabi ko kasabay ng muling pag-galaw ng kama. Ilang minuto bago siya ulit nagsalita.

"I'll give you few minutes. I'll go down stairs to go get something to eat. Paalala ko lang sa'yo ay tatlong araw ka ng hindi kumakain." Matigas ang boses na sabi niya. Hindi ako nakaramdam ng takot. Ano pa bang ikakatakot ko ngayong nakuha na niya ang katawan ko ng walang kahirap hirap?

Nakarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pintuan. Napabangon ako at napa-upo sa kama. Napahagulgol ako ng iyak habang yakap ko ang tuhod ko. Sunod sunod ang hikbi na pinakawalan ng lalamunan ko na halos hindi na ako makahinga.

Ngayon lang nag sink in saakin ang nangyari saakin. Hindi ko na pagmamay-ari ang katawan at pagkatao kong dalawang pu't limang taon kong inalagaan. Nabili ang pagkato ko sa hindi ko gustong paraan. Nabili ako ng hindi ko gusto. Naging pagmamay-ari at na-angkin ako ng isang tao dahil lang sa pera. At ang pinaka-masakit sa lahat, ay wala akong takas sa kanya.

Ikukulong niya ako dito hangga't gusto niya. Hangga't may pakinabang pa ako sa kanya.

At wala akong laban 'dun.

DECLAN

"Thanks for cooking, manang. You can take a rest now." I said while manang is handing me the tray of foods for Arianna Camille.

"O, siya, siya. Matutulog na talaga ako at kanina pa ako inaantok habang nagluluto. Teka, hindi ka pa ba kakain?"

I shook my head. "No, I already ate before I got home."

Tumango ito saakin. "Sige. I-akyat mo na 'yan sa itaas baka lumamig pa."

I obliged. Tumango nalang ako kay manang pagkatapos ay tumalikod na ako para umkyat sa itaas. I sighed when I remembered Arianna's words earlier. She was damn angry and sarcastic while asking me if was happy about what I did to her.

But honestly saying, of course. I was happy not because I owned her because she's my property and she have no rights to say no, but because I am her first. I was the first one to enter her. Ibig sabihin ay ako ang unang lalaki na umangkin sa kanya. At hangga't maari, gusto ko ako lang.

The Hypothetical Worth [Ace Lucifer's Series One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon