Chapter Eighteen

3.9K 112 3
                                    

Chapter 18


ARIANNA


WALA sa sarili akong napahawak sa kamay ni Declan na nakaposas din. Humigpit ang hawak ko sa kanya. Napalunok ako at nanlalamig ang buong katawan ko. Iniwas ko ang tingin ko sa lalaking nasa kabilang gilid lang, at mabuti nalang din at ang lalaking nakasuot ng mask ay wala na sa harap. Wala sa sarili akong napalibot ng tingin. Isang lalaki ang kumuha ng atensyon ko na papalabas ng pintuan ng simbahan sa gilid. Nakangisi ito saakin.


Kumalabog ang dibdib ko.


Ito ba? Ito ba 'yung dahilan kung bakit ayaw akong palabasin ni Declan sa mansyon niya? Ito na ba 'yon?


TULUYAN ng nawala sa paningin ko ang lalaki. Bumalik ang tingin ko kay Declan. Nakaluhod parin siya habang taimtim na napapikit. Ilang segundo ang lumipas ay dumilat ang mga mata niya at nag sign of the cross na siya. Unang hinanap ng paningin niya ay ako. Ngumiti siya saakin, pero hindi ko nagawang gumanti ng ngiti. Hinalikan niya ang kamay kong mahigpit na nakahawak sa kanya.


"Problem?" tanong niya nang mapansin ang ekspresyon ko.


Umiling ako. Puno parin ng kaba ang dibdib ko. Pakiramdam ko anumang oras ay mauulit ang nangyari saakin. Pakiramdam ko ay makikidnap nanaman ako at mapupunta sa kung saan. "Tapos ka na magdasal?"


Tumango siya. "Shall we go now?"


Tumango rin ako. "H-halika na."


NANG makalabas kami ng simbahan ay inikot ko ang paningin ko na para bang may hinahanap ako sa paligid. Ayaw kong bumitaw ay Declan dahil pakiramdam ko ay walang silbi ang posas na nasa pulsohan naming dalawa kapag lumapit yung mga lalaking nasa simbahan at nasa paligid lang.


"Hey, what's the matter?" Huminto sa paglalakad si Declan. Humarap siya saakin. Napakurap ako. Doon ko napansin na natulala na ako sa kawalan habang naglalakad. Halos mag-dikit ang katawan namin ni Declan.


"Arianna Camille." Luminga muna ako sa paligid bago ko siya tinignan. Nasa gitna kami ng arawan, pero pakiramdam ko nanlalamig parin ako.


"W-wala. Halika na."


"No. We won't go until you say what's bothering you." Madiin ang boses niya pero bakas 'don ang pag-aalala. Doon na nanggilid ang luha ko.


Agad niyang hinawakan ang mukha ko gamit ang dalawa niyang palad. "N-natatakot ako..." halos bulong nalang 'yon ng sabihin ko.


"Arianna—hey—calm down..."


"M-may mga...lalaki 'don sa simbahan. P-parang sila—yung kumuha saakin nung gabing 'yon—" Unti-unti na akong napaiyak. Biglang nanginig ang kamay ko.


AYoko. Ayoko ng maulit ang nangyaring 'yon saakin.


The Hypothetical Worth [Ace Lucifer's Series One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon