Chapter Twenty Five

3.9K 76 3
                                    


ARIANNA

Nakakasilaw na liwanag ang gumising sa natutulog kong diwa. Nasisilaw kong idinilat ang mga mata ko. Bumungad saakin ang maliwanag na sikat ng araw. Napahinga ako ng malalim at mag-iinat sana pero natigilan ako at awtomatikong napangiti nang mapagtanto kong may mabibigat na braso ang nakapatong sa tyan ko at nahigpit na nakayakap.

Dahan dahan kong itinaas ang daliri ko. Itinapat ko 'yon sa butas ng ilong niya habang nagpipigil akong matawa, lalo na nang makit ko kung paano kumunot ang noo niya. Sunod kong pinagdiskitahan ay ang tenga niya. Lumalim ang paghinga niya hanggang sa may humuli na sa pulso ko. Tuluyan akong natawa.

"Good Morning,Declan..." natatawa ko pang bati sa kanya. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya sa lips niya.

Hindi na ako nagulat ng halikan niya ako ng madiin sa labi at hanggang sa pumaibabaw na siya saakin. Kinagat kagad niya ang ibabang labi ko at wala akong nagawa kung hindi ang iyakap ang mga binti ko sa balakang niya, at mapasabunot sa leeg niya ng halikan niya ang leeg ko at sinipsip.

"Good Morning, Arianna Camille..." kagat labing naka-ngisi siya saakin. "Let's continue our celebration?"

Pinagapang ko ang kamay ko sa likod ng ulo niya. Dumako saglit ang tingin ko sa banyo bago ko ibinalik ang tingin ko sa kanya. Napasunod din siya ng tingin. "Tara, try natin?"

Napailing nalang siya. Napatili ako ng walang sabi sabi niya akong kinarga at dinala papunta sa banyo.



Hanggang sa namalayan ko nalang....na nakasandal na ako sa pader ng banyo habang patuloy na umaagos ang malamig na tubig galing sa shower, habang hawak ni Declan ay pareho kong pulso sa itaas ng ulo ko at umuulos siya ng paulit ulit sa loob ko na para bang wala siyang kapaguran.

Na kahit malamig ang tubig sa dumadaloy sa pareho naming katawan ay nadadaig na parin nito ang init na sumisilab sa pareho naming katawan na nagiging isa, at nagsasanib pwersa.









NANG bumaba kami sa dining area ay ang tanging naabutan lang namin doon ay si Teacher Fayi at Zane, Easton at Bryson. Pareho na silang kumakain habang nakarinig naman kami ng tunog mula sa lutuan. Maya maya pa ay lumabas na si manang na may dala dalang napakaraming hot dog. Isang kilong pack yata.

"Good Morning!" bati ko habang papalapit kami ni Declan. Ipinaghila niya ako ng upuan sa tapat ni teacher Fayi.

"Yow kain. Wag kayo mahiya. Bahay niyo naman 'to, diba manang?" Bati saamin ni Easton.

"Manang, kain ka na, sesexy ka niyan, sige ka." Kahit si Bryson ay nakisali na rin.

"Tigilan niyo akong dalawa ha, baka maibato ko sa inyo 'yung sandok."

"Grabe naman manang, seryoso na nga. Kain na po tayo." Kahit natatawa pa ay nagsalita parin si Easton.

"Sandali at may iniluluto pa akong ibang pagkain. Napaka-lakas niyong kumain eh."

"Sensya na manang, ngayon lang naka-kain ulit ng human food." Si Bryson.

"Matuto kasi kayong magluto, magtetrenta na kayong magkakaibigan, may asawa na kayo mamaya pero ni magluto ng itlog ay hindi niyo magawa." Irap ni manang sa kanila. Naglakad si manang pabalik sa lutuan.

"Manang, kung iluluto namin ang itlog, pano na ang lahi? Masama 'yun!"

Halos maibuga ko ang iniinom kong kape dahil sa binanggit ni Easton. Napatingin ako kay Declan ng hagurin niya ang likod ko, habang tumatawa na rin. Napatingin ako kay Teacher Fayi at katulad din ng reaksyon ko ang reaksyon niya.

The Hypothetical Worth [Ace Lucifer's Series One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon