Chapter Six

6.4K 167 4
                                    

Chapter 6

ARIANNA

"Ako na ang nagmamay-ari sa pagkatao mo, Arianna Camille, at wala kang ibang magagawa kung hindi ang sumunod. Naiintindihan mo?"

Napatigagal ako sa sinabi nung Declan. Para akong nasamid at nahihirapang lumunok habang nakatingin ako sa itim niyang mga mata. Kusang bumalik sa isipan ko ang halik na iginawad niya saakin. Gusto kong umatras sa kinatatayuan ko dahil presko pa sa isipan ko na kahit nagmamakaawa ang tigin ko sa kanya kagabi at humihikbi ako ay walang pakundangan parin niya akong hinalikan.

At naiinis ako dahil 'don. Mas lalong gusto kong umalis sa bahay na ito dahil kung hindi man niya ako saktan ay baka may iba siyang gawin saakin na higit pa sa pananakit. At 'yon ang ayaw kong mangyari.

"A-anong sabi mo?" nanatili ang tingin ko sa kanya.

Naglakad siya papalapit sa direksyon ko. Nahigit ko ang hininga ko kasabay ng pag-atras ko. Hindi. Hindi ko na hahayaan ang sarili ko na mahawakan niya o ng kahit sino pa. Lalaban ako hanggang sa makakaya ko.

"I said—"

"At sino ang nagsabi sa'yo na pagmamay-ari mo ang buo kong pagkatao?!" lakas loob na sabi ko sa kanya. Kumunot ang makakapal niyang kilay.

"Wag kang lalapit saakin!"

May maliit na ngiti ang sumilay sa labi niya. "At bakit mo naman akong pagbabawalan na lumapit sa pag mamay-ari ko, huh?"

"Hindi ako pag-mamay ari ng kahit sino! Paalisin mo na ako dito sa pamamahay mo!" Tuluyan na siyang nakalapit saakin. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya habang naka-yuko siya saakin samantalang ako ay tinitingala ang mataas niyang tangkad.

"Kindly explain kung bakit hindi ka pag-mamay ari ng kahit sino, Arianna Camille?"

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

Natawa siya ng mahina. "Dahil akin ka."

"Sinabi ng—"

"You are mine from head to toe to the single strand of your hair because I bought you for 1 billion dollars. Kung ayaw mong maging akin ka, pay me."

Dinuro ko siya. "Hinding hindi kita babayaran dahil walang halaga ang pagkatao ko! Walang hiya ka! Paalisin mo na ako dito sa bahay mo! Gusto ko ng umuwi!!!!!"

Hinuli niya ang kamay kong nakataas. Parang may kuryenteng dumaloy sa kamay ko dahil sa paghawak niya saakin. "Bitawan mo ako!"

"Makinig ka sakin. I spent my billion dollars to buy you and do you think that I will let you go home? Of course not! Mananatili ka dito hangga't gusto ko! Hangga't gusto ko pa kitang pakinabangan!"

Umingkis ang palad ko sa makinis at perpekto niyang pisngi. Kusang nanggilid ang luha sa mga mata ko. Pakiramdam ko ay nanliit ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay isa akong bayarang babae kahit hindi ko naman ginusto. "WALA KANG KARAPATAN SAAKIN!" sigaw ko sa muka niya. "Hinding hindi mo ako mapapakinabangan at sinasabi ko iyan s'yo ngayon palang, kaya hayaan ma akong maka-alis dito sa bahay mo dahil wala kang—mmp.."

Hindi ko na natapos ang mga gusto kong sabihin nang bigla niyang sapuhin ang mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay at naglapat ang labi naming dalawa. Nanlalaki ang mga mata ko habang siya ay nakapikit. Mataos ay ilang Segundo ay humiwalay ang labi niya saakin.

Muli ko siyang sinampal. "Wala kang karapatan saakin! Hindi namatay ang mga magulangko para lang protektahan ako, at gaganituhin mo lang! Buksan mo itong pinto, at gusto ko ng umalis!"

The Hypothetical Worth [Ace Lucifer's Series One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon