Chapter Seventeen

3.9K 96 0
                                    


Chapter 17


ARIANNA


"Uhhhhmm... Hmmmm..."


Inaantok ang mga mata kong dumilat dahil sa ungol na naririnig ko. Una kong napansin ang mabigat na braso ni Declan na nakapalibot sa bewang ko. Halos nakasiksik na siya sa mukha ko. Doon ko napagtanto na siya ang naririnig kong umuungol. Nakakunot ang noo niya na para bang nananaginip siya ng masama. Tinapik ko ang pisngi niya.


"Declan..gising!" tawag ko sa kanya pero mas lalo lang siyang umungol at para bang hinihingal siya.


Nataranta akong bumangon. Natanggal ang pagkakayakap niya saakin. "Declan! Gising!" Inalog alog ko siya ng malakas. Tumigil na siya sa kakaungol, at naging kalmado na ang paghinga niya. Tinapik tapik ko ang pisngi niya, at ilang segundo ang lumipas ay bumukas ang mga mata niya unti-unti.


Nag-aalala akong tumingin sa kanya. Halata ang masama ang panaginip niya. "Binabangungot ka, Declan."


Hindi niya ako sinagot. Ipinikit niya ang mga mata niya ulit. Niyakap niya ako sa bewang ko. Bumuntong hininga siya. "Thanks for waking me up, Angel."


Sumandal ako sa headboard ng kama bago ko sinagot ang sinabi niya. "Ano ba ang napanaginipan mo?"


"I always dream of my parents' death, and thankfully you wake me up." Mahinang sagot niya.


Parang may tumulak saakin suklayin ko ang buhok niya gamit ang daliri ko, kaya ginawa ko. Napapitlag ng bahagya si Declan pero mabilis din siyang narelax. "Kalmahin mo muna ang sarili mo. Alam ko ang feeling ng bangungutin e."


Doon na niya ako sinilip. Nagtatanong ang mga mata niya. Hindi ako nagsalita. Totoo naman kasi. Alam na alam ko ang napagdadaanan ni Declan. Ilang beses ko ng napapanaginipan ang pagkamatay ng mga magulang ko. Sa harap ko sila mismo namatay, para lang protektahan ako. Paulit ulit minsan, to the point na ayaw ko ng matulog para maiwasan na bumalik sa ala-ala ko ang pangyayaring 'yon.




***

Tahimik lang si Declan hanggang sa muli siyang makatulog habang naka-yakap siya saakin. Naisip ko kung ano ang ikinamatay ng mga magulang niya para maging bangungot 'yon para sa kanya. Katulad kaya ng akin? Walang kalaban laban din kayang namatay ang mga magulang ni Declan?


Napailing nalang ako. Ipinagpatuloy ko ang pag-aayos ng mga pagkain na binili ni Declan. Mukhang hindi na rin siya kumain kagabi kahit nagpakapagod siyang bumili nito. Iniwanan niya pa. Tsk. Mayaman nga naman.


Inilagay ko sa microwave oven ang mga manok, at habang ipinapainit ko ang mga manok sa microwave ay inayos ko ang mga kanin para isangag. Kinuha ko rin 'yung dalawang large fries at iprinito ulit 'yon. Halos kalahating oras ko din ginugol ang sarili ko sa pagpapa-init ng mga pagkain. Inilagay ko sa Ref ang coke float, tsaka ako nagtimpla ng kape para saamin.

The Hypothetical Worth [Ace Lucifer's Series One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon