Chapter Twenty Two

4K 90 5
                                    


CHAPTER 22


"Oh maghiwa ka na ng sibuyas diyan tsaka bawang."


"Again?" Nalukot ang mukha ni Declan sa sinabi ko.


Natawa ako ng mahina. Kinuha ko ang manok sa freezer at inalagy 'yon sa isang maliit na palanggana tsaka ko nilagyan ng tubig para ma-defroze. Nakasunod lang ng tingin saakin si Declan. Nandito nanaman kasi siya sa kusina dahil gusto niya daw matuto magluto para daw hindi lang ako lagi ang nagluluto ng pagkain naming dalawa.


Eh panong hindi puro sibuyas at bawang ang ipinapahiwa ko sa kanya lagi? Eh hindi nga niya mahiwa ng maayos yung carrots na sinabi kong hiwain niya nung nakaraan. At hindi sa naiinis ako, pero sa totoo lang, ang hirap turuan ni Declan magluto. Dalawang linggo bago niya natutunang magluto ng maayos na itlog. Limang araw bago siya natutong maghiwa ng sibuyas at bawang. At tatlong araw niyang minaster ang processed foods na ham, at hot dog.


Pero ang magandang kinalabasan lang.


Hindi ko na kailangang gumising ng masyadong maaga para lang may almusal kami. Marunong na kasi siya, at madalas na mas maaga siyang nagigising saakin lalo na kapag...kapag napupuyat kami pareho...


"Honey...notice me..." aniya.


Napailing nalang ako at hindi ko parin siya pinansin. Kinuha ko ang chopping board at kutsilyo. Napabuntong hininga si Declan bago niya kinuha ang sibuyas at bawang sa lagayan. Hindi na siya nagsalita at kumuha nalang siya ng sariling kutsilyo at chopping board. Lihim akong napangiti. Tampo si Declan o.


Inilapag ko muna ang kinuha kong mga gamit, bago ko siya nilapitan at niyakap mula sa likod. Natigilan siya sandali. Hinawakan niya ang pulsuhan ko, at bago pa siya humarap saakin ay nagsalita ako.


"Wag ka na magtampo. Lika na, turuan kita mag-hiwa ng manok."


Humigpit ang hawak niya sa palapulsuhan ko sandali bago siya nagsalita at humarap na ng tuluyan saakin. Hinawakan niya ang pareho kong pisngi at pinanggigilan 'yon. Dumukwang siya at hinalikan niya ako sa tungki ng ilong ko.


"Thank you for being patient with me." Saka siya humarap sa lababo at kinuha ang manok. Inilagay niya 'yon sa chooping board na kinuha ko at nilingon ako ulit.


"How to do this?" tanong niya. Napailing nalang ako.


Pumwesto ako sa likod niya at hinawakan ko ang kamay niya. Para akong nakayakap mula sa likod. Napahinto saglit si Declan.


"Position ng kamay kapag naghihiwa?" tanong ko. Sinilip ko siya. Napakagat siya sa labi niya para pigilan ang pagngiti.


"Oy wag kang kiligin." Natatawa kong sabi sa kanya. Hawak na niya ngayon ang kutsilyo sa kanang kamay niya habang naka-alalay sa manok ang isa niya pang kamay. Ipinatong ko kamay ko sa ibabaw ng kamay niya.

The Hypothetical Worth [Ace Lucifer's Series One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon