Chapter Two

7.1K 195 23
                                    

Chapter 2

ARIANNA

Naalimpungatan ako sa loob ng isang sasakyan. Malabo ang paningin pero, pero kahit ganon ay unti-unting bumalik sa isip ko ang sinapit ko. Nanlaki ang mga mata ko sa kaba tsaka ako tumingin sa paligid. May dalawang lalaking nasa gilid ko at nakatakip ang mga mukha nila.

"Sino kayo?" Sigaw ko. Unti-unting tumulo ang masaganang luha galing sa mga mata ko. Nanghihina pa rin ang pakiramdam ko na kahit ang pagsigaw ko ay nagmukhang normal na salita lang ng may sakit.

Napalingon ang dalawang katabi ko sakin. Sinubukan kong gumalaw. Sinubukan kong igalaw ang kamay ko na nasa likod ko pero nakatali na pala ako.

"Pakawalan niyo ako..." humihikbing paki-usap ko. Hindi ko alam kung paano ako aalis. Hindi na ako pinansin ng dalawa kong katabi. Huminto ang kotseng sinasakyan namin. Mabilis ang kilos ng lalaking katabi ko sa kanan. Binuksan niya ang pintuan ng Van.

Hinatak ako ng isa sa kanila palabas ng Van. Kulang nalang ay mapatid ako sa paraan ng paghatak niya saakin pero hindi ko 'yon pinansin. Nang tuluyan na akong makalabas ng Van ay tumingin ako sa paligid. Pinilit kong magpumiglas sa kanila habang umiiyak ako at nakikiusap ang mga mata ko pero parang bulag at bingi sila.

Katulad ng ginawa ko kanina ay kinagat ko ang nakahawak sa braso ko tsaka ako umamba ng takbo. Tumakbo ang ng mabilis at hindi ko inaasahan na madadapa ako. Pinilit kong tumayo pero hindi ako pinagpala ng pagkakataon dahil mukhang napilayan pa ako.

Naramdaman ko nalang na may humawak sa buhok ko at sinabunutan ako. Nakatanggap ako ng malakas na impact sa pisngi ko. Mas lalo akong napaiyak. Doon ko napagtanto na hindi sampal ang nakuha ko kung hindi suntok sa mukha. Bumalik ang hilong nararamdaman ko.

"Sino ba kayo?! ANo bang kailangan niyo saakin?! Wala akong pera! Janitress lang ako! Utang na loob, maawa kayo saaakin!" nagawa ko pang sabihin habang kinakaladkad nila ako. Mahigpit ang pagkakahawak sa buhok ko. Hindi ko magawang hawakan rin ang ulo ko dahil nakatali ng mahigpit ang mga kamay ko.

"Pwede ba, mahigpit isang buwan mo na kaming pinapahirapan para lang makuha ka kaya wag ka ng magpakahirap na tumakas dahil hindi ka namin hahayaan." Gigil na sabi ng lalaking nasa harap ko.

Isang buwan? 

"Naiintindihan mo ba?!"

Hindi ako sumagot. Hindi pwede. Hindi ko hahayaan ang sarili ko na makuha nila. Hindi dapat ganito. Kailangan kong lumaban. Kailangan kong makatakas. Kamay ko lang ang nakatali pero hindi ang isip at mga paa ko. Makakagawa ako ng paraan.

Pinatid ko ang lalaking nakahawak sa buhok ko total magkatabi lang naman kaming dalawa. Napakadaling gawin 'yon sa kanya. Laking iskwater ako kaya alam ko ang dapat gawin. Palaging may nagsusuntukan at hinahabol ng pulis saamin at kitangkita ko kung paano tumatakas ang mga suspect saamin. Marami silang paraan. Marunong silang umakyat sa mga tagpi-tagping pader saamin.

Kaya dapat alam ko. Alam kong tumakas. Kailangan ko lang ng sobra sobrang lakas ng loob.

Lumagapak ang lalaki sa sahig. Nabitawan niya ang mahigpit niyang pagakakahawak sa buhok ko kaya laking tuwa ko. Nakuha namin ang atensyon ng mga lalaking nakapalibot saamin kanina pero hindi ako nag-aksaya ng panahon. Agad kong pinagana ang mga binti ko para tumakbo, pero hindi pa ako nakakalimang hakbang nang mapasigaw ako sa sakit.

Putcha! May pilay nga pala ako dahil nadapa ako kanina.

Muling may humatak sa buhok ko habang nasa semento ako. Marahas akong itinayo. Hindi na sa mukha ko tumama ang kamao ng lalaki, pero sa sikmura ko na. Nanlambot ang tuhod ko at nawalan ako ng lakad. May sumampal saakin na mas lalong nagpahina sa katawan ko.

The Hypothetical Worth [Ace Lucifer's Series One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon