Chapter Thirteen

5K 127 1
                                    

Chapter 13

ARIANNA

NANG mga sumunod na araw ay hindi parin naalis ang mabigat na kung ano sa dibdib ko. Kahit ang plano kong pag-alis sa puder niya kapag nagkataon lalo na kapag tulog siya ay nakaligtaan ko na. Madalas ay sa sala siya natutulog pagkatapos niyang masigurong wala akong malalabasang kahit ano, at kapag nangyayari 'yon ay mas madalas na naka titig ako sa guwapo niyang mukha, at nakakalimutan ko ng tumakas pa. Salamat sa guwapo niyang mukha!

At mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko kapag nakikita ko siya. Hindi kami nag-uusap. Parang may pumipiga sa dibdib ko habang tinitignan ko siya. Nawawala ako sa sarili ko, habang tumitingin ako sa kanya. Naalala ko ang huling usapan namin tungkol sa pag-alis ko. Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko maintindinhan kung bakit kailngan niya akong protektahan.

Impossibleng dahil gusto niya lang ako kaya niya ginagawa 'yon. Isang napaka babaw na rason.

ILANG araw na kaming hindi nag-uusap. Madalas ay nakikita ko siyang nanunuod ng TV sa salas habang naka kunot ang noo niya ng husto. Para bang may malalim siyang iniisip. Katulad nalang ngayon, nakatingin ako sa kanya mula sa likod ng sofa. Naka kunot ang noo niya, at wala sa sarili siyang naglilipat ng channels.

Hindi ko nalang siya pinansin. Naglakad ako papunta sa kusina. Kakatapos ko lang maligo, at tanging suot ko lang ay ang bagong labas na t-shirt at boxer shorts ni Declan. Ibinigay niya saakin, matapos niyang sabihin saakin na tatlong araw na akong hindi naliligo at hindi nagpapalit ng damit.

Walanghiya! Mangingidnap, wala namang maipahiram na damit!

Nang makarating ako sa kusina ay binuksan ko kaagad ang ref. Ayun lang naman ang gawain ko dito sa bahay niya. Oo nga, nakaka-ikot ikot ako sa puro saradong pintuan ng bahay niya! Napakahusay! At ang tanging pwede ko nalang pagka-abalahan ay ang pagkain at pagluluto dahil simula nung araw na makapag-usap kami, hindi manlang siya bumili ng pagkain o kung ano man! Pinagtyatyagaan ko nalang 'yung mga frozen meat sa ref niya at ang mga de lata na mas ginagawa kong omelet dahil dalawang tray ang itlog na naka-stock sa kanya!

NAPABUNTONG hininga ako. Inilabas ko ang isang pack ng hot dog pagkatapos ay naglabas ako ng tatlong itlog. Biniyak ko yung itlog at hiniwa ko ng maliliit yung hotdogs pagkatapos ay nagtadtad ako ng sibuyas at bawang.

Nang matapos akong magluto, kasabay ng kanin ay bumalik ako sa sala. Nadatnan ko ang isang Declan na natutulog habang hawak ang remote at tuluyang nagpe-play ang TV. Napailing nalang ako. Lumapit ako sa kinuupuan niya at kinuha ang remote. Pinatay ko yung TV, kasabay ng paglingon ko kay Declan.

Bahagya pa siyang humihik. Hilik ng gandang lalaki kasi mahina lang. Napatitig nanamn ako sa mukha niya. Ilang araw na niya akong hindi kinakausap, at tanging iling, tango o kaya simpleng oo at hindi lang ang nagiging usapan namin lagi. Hindi ko naririnig ang boses niyang nakaka-bwisit at mapang asar. At yon ang mas lalong nakakapag pabigat ng dibdib ko.

Ang hindi ko maintindihan, bakit? Bakit ganon ang nararamdaman ko? Samantalang ang isiping nag-aalala si Pina at si Tiyong saakin pati na rin ang mga ka-kosa ko sa barangay ay hindi ganito ang nararamdaman ko. Kamusta na kaya sila?

Inalis ko ang mg mgugulong pambwisit sa isip ko. Nakayukong kinalabit ko si Declan. "hoy!"

"hmmm..." tugon niya kasabay ng unti-unting pagkurap ng mga mata niya.

"Kakain na." sabi ko.

Tumango tango siya. "Susunod ako—"

"Kakain na nga e." pagpuputol ko sa sasabihin niya nang makita ko siyang nag-aamang pipikit ulit para matulog.

The Hypothetical Worth [Ace Lucifer's Series One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon