Chapter Twenty Three

3.6K 79 1
                                    


C H AP T E R 23



ARIANNA

Naalimpungatan ako nang naramdaman ko ang katawan kong umangat sa ere. Unti- unti kong idinilat ang mga mata ko at bumungad saakin ang mukha ni Declan. Ngumiti siya saakin nang mapansing nagising ako.


"Declan..." bulong ko sa kanya nang mapansing karga karga niya pala ako.


"Sorry to wake you up again sleepy head." Aniya at nagsimula nang maglakad.


"Thank you..." bulong ko at ikinawit ang braso ko sa batok niya. Kinindatan niya lang ako.


NANG makarating kami sa kwarto niya—este naming dalawa, dahil sabi niya ay hanggang sa nakatira ako sa bahay niya ay kwarto naming dalawa ang kwarto niya. Hindi na ako umapela pa, tutal gusto ko din naman, inilapag niya ako sa kama at kinumutan. Kapagkuwan ay humiga na rin siya sa tabi ko.


"Nakatulog ka nanaman sa salas..." lumpit siya saakin. Ginawa niyang unan ko ang braso niya pagkatapos hinaplos niya ang buhok ko.


"Sorry, minememorize ko kasi 'yung mga tinuro saakin ni Fayi." Sagot ko at yumakap sa bewang siya.

MAG-iisang buwan na rin simula nang surpresahin ako ni Declan tungkol sa pagpapa-aral niya saakin. Ang sabi saain ni Fayi, yung teacher ko, kumbaga student daw ako ng Advance Learning System, pero special treatment ang ibinigay saakin dahil home schooled ako dahil na rin sa gusto ni Declan. Isa ring student si Fayi sa isang university pero tinanggap niya bilang OJT ang pagtuturo saakin. Dagdag niya pa ay kapag natapos kong pag-aralan ang lessons na nakapaloob sa ALS ay mag te-take ako ng exam at kapag naipasa ko 'yon ay pwede na akong kumuha ng panibagong exam para makapasok sa kung saang mang university ang gugustuhin ko.


At 'yon ang dahilan kung bakit palagi akong pursigido sa pag-aara gabi gabi. Pagka-alis ni Teacher Fayi dito sa bahay ni Declan ay hindi ako nagpapahinga, bagkus ay inaaral ko ulit 'yung mga tinuturo niya.


Madalas ay nakaka-idlip ako at nagigisingan ko nalang na buhat ako ni Declan o kaya naman ay nasa kwarto na ako. Ginagawa ko rin kasing pampalipas oras ang pag-aaral ko at nag-aadvance reading din ako minsan dahil pumapasok na sa trabaho ulit si Declan at buong araw siyang wala.

Ayaw kong magpaiwan nang malaman kong papasok na siya sa trabaho pero ayaw kong maging pabigat. At alam ko sa sarili ko na hindi ako hahayaan ni Declan na maiwan dito na alam niyang hindi ako safe.


May tiwala ako sa kanya.


"You're enjoying your lessons, honey?" tanong ni Declan na nakapagpabalik saakin sa realidad.


Tumango ako. "Sobra. Ang sarap mag-aral Declan. Ang dami kong natututunan mula kay Teacher Fayi palagi."


Inamoy niya ang tuktok ng ulo ko. "Good to know."

"Nakakapagod pero worth it, alam mo 'yun?" sabi ko sa kanya nang maalala ko nanaman na ang dami ko ng natutunan mula kay Teacher Fayi. Nakaka-proud sa feeling na ang dami ko ng alam at hindi ko na matatawag ang sarili kong walang pinag-aralan. Nagbigay na ng bato si Declan na tutungtungan hindi lang para makapag-aral ako kundi para maabot ko ang pangarap ko, at habang buhay kong tatanawing utang na loob iyon.

The Hypothetical Worth [Ace Lucifer's Series One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon