Chapter Thirty

3.3K 81 6
                                    

Enjoy Reading😍❤❤
Sorry for the late update. I've been busy with school works. Being a senior student sucks.💔😖 But anyways, enjooooooy!💏



ARIANNA

"Tyong, daan tayo mamaya sa palengke, baka may langka doon e." Sabi ko kay Tiyong habang nagsusuklay ako sa harap ng salamin.

"Jusko, Arianna. Baka magmukhang langka iyang anak mo paglabas ah." Ani tiyong na nanonood ng TV. "Siya nga pala, sa Mondaragon tayo tutuloy ng check up."

Napatigil ako sa pag-susuklay at nilingon ko si Tiyong. "Bakit po doon? Wala tayong pera pambayad don."

"Diba may kaibigan ka doon, si Macey? Sabihin mo-"

Tuluyan na akong humarap kay Tiyong. "Unang una sa lahat, Tiyong Harold Scarlet, wala po tayong pera para doon. Pangalawa, kaibigan ko nga po si Macey..." napalunok ako. "Pero dati po 'yon. Matagal ko ng pinutol ang koneksyon ko sa kanila."

Gusto ko pa sanang idugtong na may posibilidad na makita ko siya. May posibilidad na magkasalubong kami, at sa ilang buwan na hindi kami nagkita, hindi ko parin alam kung paano ko siya pakikiharapan once na magkita kami. Hindi ko alam. Marami pang bagay na magulo sa isip ko. Nangunguna na 'don ang galit kung bakit pinatay ng magulang niya ang mga magulang ko. Isang bagay na hindi ko matatanggap. Bagay na hindi ko kayang pakisamahan siya sa kaisipang anak siya ng pumatay sa magulang ko.

Masyadong mabigat sa dibdib. Masakit para saakin ang iwan siya at hindi na magparamdam, pero mas masakit kung tatanggapin ko pa siya dahil alam kong hindi pagmamahal ang mananaig saming dalawa, pero galit.

Napahawak ako sa Tiyan ko. Ilang buwan na pala simula ng lumayo ako. Halos walong buwan na. Halos kabuwanan ko na rin, at huling check up ko na, pero hindi ko parin nasasabi sa kanya. Alam ko namang alam niya. Dahil alam na ni Mace, ni Jaxon...alam nilang lahat dahil mas nauna pa nilang nalaman matapos kong mahimatay noong nakidnap ako...ng dahil din sa kanya.

Muntik na kaming mapahamak ng anak ko dahil sa kanya...sa kanila. At nang malaman ko na buntis ako, ako na mismo ang naki-usap kina Zane, at Nancy na ilayo nalang ako. Gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng lumagay sa tahimik. Yung malayo sa kanya. Malayo sa kanila. Malayo sa gulo.

"Maraming hospital diyan Tiyong, yung hindi po kami magkikita. O mag ku-krus ang landas namin." Napabuntong hininga ako.

"Hindi naman kayo magkikita doon, anakong." Giit niya.

"Kahit na po, tsaka 'yung OB ko ay kasama ko ng walong buwan. Kaysa sa doctor sa Mondaragon Hospital, mas mabuti na 'yon."

"Kung 'yan ang gusto mo." Tumayo siya. "Tara na?"

Tumango ako at inilapag ang suklay sa lagayan bago ko muling tinignan ang sarili ko sa salamin. Hinaplos ko ang Tiyan ko na malaki na.

"Sorry, baby. Hindi ko pa kaya. Hindi pa ngayon."


***

"Hello, Ms. Scarlet. "Ngumiti ang doktora saakin pagkapasok ko. Naiwan kasi si Tiyong sa labas dahil bukod sa tiyuhin ko siya, asawa o tatay lang daw ng baby ang required pumasok.

Napa-buntong hininga nalang ako.

Ngumiti ako kay Doktora Asuncion. "Hi po, doktora."

"Kabuwanan na ni Baby, excited ka na ba?" anito habang nagsusulat siya sa papel. "Mabigat na ba si Baby? May pangalan na ba?"

The Hypothetical Worth [Ace Lucifer's Series One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon