Chapter Fourteen

5K 143 8
                                    


Chapter 14

ARIANNA

WALA akong ibang nagawa kung hindi ang magpatianod sa hatak ni Declan. Napa-igik pa ako dahil bahagyang sumakit ang pala-pulsuhan ko.

"Aray! Sandali nga!" protesta ko habang hatak niya ako papunta sa kung saan. Tinawanan niya lang ako.

"Wag kang malikot! Masakit talaga 'yan." Nilingon niya ako ng bahagya. Hindi ko napigilan ang sarili ko na kurutin siya dahil sa inis ko.

"Ray! Aray!" reklamo niya na halatang nagpapanggap lang.

"Pwede naman kasing magdahan dahan e!" kulang nalang ay umusok ang ulong ko dahil inis ko sa kanya pero nanatili lang na masigla ang ekspresyon niya habang hatak niya ako. Napabuga ako ng hangin. Mabuti naman at hindi na siya naka-busangot!

"Declan kasi—"

"We're here..." pagpuputol nita sa panibagong protesta ko sa kanya. Napatigil ako. Nasa matipuno niyang likod ang atensyon ko at hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa...

"Wow..." nasabi ko nalang sa pagkabigla ko.

Isang napakalaking pool ang bumungad saakin. Mahinang natawa si Declan sa naging reaksyon ko pero para sa tulad kong mahirap ay nakakagulat. Napakalaki ng pool na para bang sampung bahay doon sa iskwater na kinalakihan ko na ang kasya sa nakuhang space ng pool. Ang lawak!

"Tara!" naglakad kami lalo papalapit sa pool. "Laway mo, tumutulo."

Awtomatikong napahawak ako sa bibig ko at kinapa nga kung meron pero wala naman pala. Masama akong tumingin kay Declan, habang siya ay may maliit na ngiting nakasilay sa labi niya habang nakatingin sa akin. Sa reaksyon ko.

"i'm just kidding, Arianna. You looked suprised." Nakatayo kami sa gilid ng pool kaya huminto kami, maya maya pa ay iginaya niya ako paupo. Kahit ayaw ko ay wala akong nagawa. Naka-posas ang kamay naming dalawa. Natural lang na mahatak niya ang kamay ko pababa kasama ang katawan ko. Bwisit.

"Are you, huh?" tanong niya ulit.

"Parte ito ng bahay mo?" instead na sagot ko. Magkatabi kaming naka-upo. Tumango siya saakin.

"Yes. This is my parents old house, and I just renovate it and add a few changes to make it better." Napatango nalang ako sa sinabi niya.

Ilang segundo kaming natahimik na dalawa habang nakatingin sa kulay asul na tubig na dala ng chlorine.

"Ang yaman mo pala talaga no?" Iginalaw ko ang paa ko at unti-unti ko iyong inilusong sa tubig. Unti-unting umakyat sa pakiramdam ko ang lamig.

"i just inherited my parent's money and made it grew bigger." Explain niya saakin.

"Hmm. So matalino ka para magawa 'yon?" tanong ko ulit.

"Not really, Arianna." Bumuntong hininga siya. "People don't need to be intelligent enough to succeed, they just need effort and dedication, and that's what I did. I dedicate my success to my parents to make them proud, and I know they do. Like that..." Inilusong niya din ang mga paa niya sa tubig.

"But you know what, money is no big deal for me. Because sometimes, money can't afford what I always wanted." Pagpapatuloy niya. Bahagya niyang sinipa-sipa ang tubig. Tumalsik ang iba sa hita ko kaya natawa siya ng mahina. May bakas ng lunkot sa mga mata niya.

The Hypothetical Worth [Ace Lucifer's Series One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon