Chapter Four

6.5K 189 33
                                    


Chapter 4

ARIANNA

Hindi ko alam kung anong nangyari sa katawan ko, dahil hanggang sa puntong 'to ay hindi ko parin maigalaw ang katawan ko. Kahit ang mismong daliri ko sa paa ay hindi ko maigalaw. Paralisado ako, at 'yon ang tanging laman ng isip ko ngayon dahil alam kong wala na akong takas. Pakiramdam ko naging bato ang buong katawan ko.

Hindi na ako nakalaban nang matapos lumabas nung nurse ay pinagsamantalahan ng dalawang naiwang lalaki ang katawan ko. Iginala nila ang mga kamay nila sa pagitan ng mga hita ko at sa dibdib ko. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang umiyak lang ng umiyak habang pinipilit ang sarili ko na magsalita para humingi ng awa sa kanila na wag gawin 'yon saakin, pero ang tanging ipinagpapasalamat ko nalang ay hindi nila ako ginalaw at tanging hanggang hawak lang sila sa katawan ko.

Nang matapos sila saakin ay binuhat nila ako sa loob ng banyo at nilinisan ang katawan ko. May pinasuot sila saaking kapirasong tela na kulay itim para takpan ang dibdib ko at ang pagitan ng mga hita ko, pagkatapos ay piniringan nila ang mga mata ko. Hanggang sa naramdaman ko nalang na itinali nanaman nila ang dalawang kamay ko paitaas. Hindi nila tinanggal ang piring sa mga mata ko, pero nakaramdam ako muli ng karayom na tumusok sa leeg ko. Gusto kong sumigaw pero alam kong hindi ko 'yon magagawa.

Napaluha nalang ako nang maramdaman kong unti-unti nanaman akong tinatakasan ng lakas, at hanggang sa lamunin na ako ng buong kadiliman.











***

NAGISING ako nang makarinig ako ng kaluskos. Ramdam ko parin na nakatali paitaas ang katawan ko, at nakakaramdam ako ng ginaw sa katawan ko. Sinubukan kong igalaw ang ulo ko pero katulad ng bago ako matulog ay wala paring nangyari. Paralisado parin ako.

"Wake up!" boses babae ang narinig ko, kasabay ng pagtanggal ng piring sa mga mata ko.

Maliwanag na paligid ang sumalubong sa nanlalabong paningin ko. May naaninag akong tao sa harap ko.

Nasan ako? San nila ako dinala?

Unti-unti ng luminaw ang paningin ko. "Stay awake, don't sleep kung ayaw mong masaktan." 'yon lang ang sinabi ng babae pagkatapos ay umalis na siya sa kinaroroonan ko. Hindi ko na nagawang tignan ang labas ng kinaroroonan ko dahil mabilis na sumara ang salaaming pinto. Wala akong makita sa labas.

Tinignan ko ang paligid na kayang tignan ng mga mata ko. Napapaligiran ako ng sobrang putting liwanag habang nakatali ako paitaas. Para akong nasa isang CR ng isang mall na gawa sa salamin at napaka liwanag. Napakaliit. Napaka-sikip, at higit sa lahat ay wala akong makita mula sa labas dahil parang isang tinted na bintana ang pintuang nilabasan ng babaeng gumising saakin kanina.

MAYA MAYA pa ay may nagsalita mula sa kinaroroonan ko, sa tingin ko ay mula ito sa isang speaker.

"GOOD EVENING LADIES. I HOPE ALL OF YOU IS AWAKE AS I TOLD YOU EARLIER. TONIGHT WILL BE THE DAY OF THE BIDDING FOR THE ALL OF YOU, SO GET READY. GOOD LUCK! I WISH ALL OF YOU WILL GET SOLD WITH A HIGHER PRICE AND BID."

"AND BEFORE I FORGOT TO TELL YOU, PLEASE BE READY. OUR VISITORS WILL COME AFTER A FEW MINUTES." Pagkatapos ng ilang segundo ay nawala na ang boses ng babaeng nagsasalita mula sa speaker.

Ang ilaw na akala ko ay maliwanag pa, ay mas lalo pang lumiwanag. Halos mapapikit ako sa pagkasilaw ko. Pinigilan ko ang sarili ko na umiyak pero hindi ko rin nakayanan nang may magsalita muli sa speaker sa loob ng salaaming bubog na kinaroroonan ko.

The Hypothetical Worth [Ace Lucifer's Series One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon