Suka #70

209 7 1
                                    

[Author's Note: At dahil umabot na sa ikapitumpong suka ang Iskribol, ang mababasa niyo ay isang special edition ng mga suka. Nakita at napulot ko ang sulat na 'to sa clasroom ko noong 2013, nakaipit sa mesa (na round table). Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung sino si "A." Lintik na baklang koala nga naman talaga.]

December 6, 2013

7:08 PM

Dear Future Boyfriend,

Pag-usapan natin ang mga Turn-Ons at Turn-Offs ko sa isang lalaki. Para na rin magsilbing guide sa’yo balang araw (Pagpasensyahan mo na kasi wala talaga akong magawa ngayon dahil ako lang mag-isa dito sa boarding house).

Turn-off para sa’kin ang bolero. Madali kong malalaman kung totoong ina-appreciate ng isang tao ang kung anumang meron sa’kin o binobola lang ako. Hindi sa ayaw ko sa mga compliments, ayoko lang talagang binobola dahil: a.) Hindi ako bola; b.) Alam ko sa sarili ko kung anong meron ako at kung anong wala (Kaya kung sasabihin mo sa’king ang ganda ng mga mata ko, lumayas ka na. Hindi maganda ang mga mata ko, gets?).

Turn-on para sa’kin ang honest. Okay lang kung sabihin mo sa’kin na mabaho ako, o ang pangit ko, o ayaw mo sa’kin. At least, sinasabi mo kung anong iniisip mo. Hindi ‘yung pinapaniwala mo ‘kong okay lang kahit na hindi.

Turn-off ang umiinom ng alak. Hindi naman sa naghahanap ako ng perfect boyfriend, pero hindi ko lang talaga kayang makitang umiinom at nalalasing ang taong mamahalin ko. Mas malapit pa sa disgrasya, if you know what I mean. Okay lang occasionally, at hindi kasama ang mga mahaharot na mga babae.

Turn-on ang sumasabay sa kaweirdohan ko. Spoon at fork ang ginagamit ko sa umaga. Chopsticks ang ginagamit ko tuwing lunch. Nagkakamay ako sa gabi. Kaya kung pipilitin mo ‘kong gumamit ng kutsara sa gabi, maglaho ka na. Ayoko rin pala sa strawberry. At hindi ako tumatanggap ng regalo na hindi pink. Pangarap ko rin palang humandusay sa riles ng tren at tumakbo dalawang segundo bago humarurot at pagpira-pirasuhin nito ang katawan ko. Keri?

Turn-off ang manyak. Hindi ko na kailangan pang i-explain. Pero para sa kapakanan mo, ayoko ng PDA. Ayokong nag-iisip ka ng kung ano-ano habang magkasama tayo. Worse, kung hinuhubaran mo ‘ko sa isip mo. Alam kong nanonood ka ng porn, pero may tamang oras ang mga ‘yan. At hindi tamang oras ang kinse anyos at may anak na. Ayoko ring dumagdag sa mga poproblemahin ni P.Noy. Pero, peksman, hindi ako maka-Aquino.

Turn-on ang lalaking pinapakilala ako sa family niya, sa mga kaibigan at mga kakilala niya. Kung nahihiya ka sa’kin, ligawan mo ang babaeng handang magtago para lang hindi ka mabuking ng pamilya mo. At hindi ako ‘yun. Connected rin ito sa susunod na turn-off.

Turn-off ang lalaking hindi committed. Mas lalong turn-off kung hindi mo alam kung ano’ng ibig sabihin n’yan. Madali ko itong makikita sa mga actions mo. Walang oras. Walang interes. Busy. Nami-miss ako kapag wala ako sa tabi. Wala sa templa kung magkasama. Ikinahihiya ako. Madaling sumuko – ‘yung bawat away at hindi pagkakaunawaan lulutang kaagad ang salitang “Break na tayo”.

Turn-on ang sensitive. Hindi ko talaga gustong makarinig ng “Okay lang ‘yan” sa mga panahong napakabigat ng mga problema ko. Maa-appreciate kita kung tatanungin mo ako ng “Ano’ng maitutulong ko?” o simpleng tatahimik ka lang pero nasa tabi ko sa mga panahong ito. There are times when you don’t have to talk because your presence is more than enough. Gets?

Turn-off ang babaero.

Turn-on ang gentleman. Pero medyo bastos? Pag-iisipan ko pa.

Turn-off ang nagsusuot ng varsity jacket kahit na tirik na tirik ang araw.

Turn-on ang nagbabasa ng mga libro. Marami tayong pag-uusapan.

Turn-off ang puro daldal pero wala naman sa gawa. Ayokong mag-expect. Mas ayokong nasasaktan dahil hindi natupad ang expectation ko.

Turn-on ang lalaking kayang ipaglaban kung anong nararamdaman niya. ‘Yung mala-telenovela na andami niyo nang problema, parang ang buong mundo ay ayaw na magkatuluyan kayo, pero ipaglalaban ka pa rin niya.

Turn-off ‘yung nagtatanong sa text, o Facebook chat, o sa personal kung ano na ang ginagawa ko minu-minuto . Responsibilidad ko bang sabihin sa’yo na “Nasa CR ako ngayon” “Na-flush ko na” “Papalabas na ako ng CR” “Nasa sala na ako ngayon” “Pinapanood ko ang Maria Mercedes” “Naiiyak ako dahil namatay na si Santiago” “Hindi ako makahanap ng tissue” “Nasa kwarto na ako” “Nakahiga na ako” “Nakapikit na ako”? Kulang na lang iti-text kitang “Tulog na ako. ZZZZZZZ.”

Teka, masyado na bang marami ang sinulat ko? Kulang pa nga ‘yan. Pero, sige. Malalaman mo rin ‘yun kung kilala mo na talaga ako. Ang importante, setting all of these aside, ay tanggap natin ang isa’t isa. Hindi naman tayo light switches. Wag nang pa-komplikado.

Next time ulit!

Love,

­-A

ISKRIBOL (Mga Suka ng Isang Bored na Otistik)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon