“Salamat Danica.” Nakangiting sabi ni Lorenzo.

“Hoy enzo musta na yung gilprend mong si Natalie?” usisa ni Danica kay Lorenzo.

(Lorenzo and Natalie short story ‘Let Go’ ay nasa Ms Sapphire’s short stories album)

Napakunot ang noo ni Lorenzo at maang na napatingin sa kaniya.

“Sinabi ni Jake sa akin kanina.” Sagot ni Danica sa katanungan ni Enzo.

Napakamot ng ulo ang lalaki bago sumagot.

“A---e medyo nagtampo sa akin e.” sagot ng kaniyang kaibigan.

“Ha? Bakit naman?” tanong ni Danica. Tuluyan na itong umupo sa kabilang wing chair at halatang nais nitong makipag chikkahan sa kaniyang kaibigan.

“E kase dalawang beses na akong na late sa date namin. Ayaw naman akong paniwalaan--- kaya ayun….”

Napalipat-lipat ang kaniyang tingin sa dalawa.

“Ganon ba?” nangalumbaba si Danica sa kinauupuan nito “e ano ba ang dahilan mo? Baka naman hindi kapani-paniwala yun?”

“Hoy kayong dalawa ha ang ingay-ingay ninyo” saway niya sa mga ito “ikaw Danica bumalik ka na dun sa kusina. Iniistorbo mo ang pagkanta ni Lorenoz e.”

“Sus ikaw naman ang arte arte nagtatanong lang e” reklamo ni Danica sabay tayo.

“At sumasagot ka pa sa akin ha?”

“O e ano ngayon aber?” nakapamewang na sabi nito.

“Naku ang lakas ng loob mo. Baka mawalan ka na ng trabaho bukas!” pananakot niya dito.

“Kahit ngayon na!”

“Tinatakot mo ba ako?” tanong niya dito.

“Ay Ser ikaw natatakot sa akin? Dba dapat ako matakot sa yo?” patuloy na pamimilosopo nito sa kaniya “Hmp!” irap nito sa kaniya.

Aalis na sana ito kung di lang ito tinawag ni Mark pabalik.

“Danica pa smile naman dyan.” Wika ni Mark.

“Hoy ano yan Mark?” naengganyong tanong nito.

“Video Camera.”

“Kamera ba kamo?”

“Oo kaya smile kana.” Inayos ni Mark ang pagkuha ng Cam. Ang loko-loko niyang kaibigan ay zinoom nito ang camera sa dibdib ni Danica.

“Teka teka aayusin ko muna ang buhok ko.” Sinuklay pa ng babae ang mahaba nitong buhok at ngumiti sabay peace sign.

Inayos ni Mark ang lense pabalik sa mukha ni Danica.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

{Present}

Inabot niya ang remote control at pinindot ang “pause” button. Pinakatitigan niyang mabuti ang inosenteng mukha nito. Maaliwalas ang mukha ni Danica lalo na pag ito ay nakangiti. Kahit na may kaitiman ang balat nito ay nangingibabaw pa rin ang tanging ganda ng babae. Matangos ang ilong nito na bumabagay sa heart shape nitong mukha.

Pinindot ulit niya ang “play button”.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

{Remembering the Past}

“Danica pa smile naman dyan!” pangungumbinsi ni Mark.

“Sige! O eto ayos ba?” nag peace sign pa ito sa harap ng camera “teka gagayahin ko lang yung nasa tee-bee.” Tumagilid ito at nilagay ang isang kamay na naka peace sign sa pisngi nito. Kumindat pa ito sabay flying kiss.

Ang 'syota kong promdi COMPLETEWhere stories live. Discover now