‘Tingnan natin kung makaka-wi ka pa!’ wika na naman ng demonyang isipan niya.

Pagkatapos kunin ng waiter ang kanilang order ay nag excuse muna si Pierre na pupunta lang ng banyo. Mas nakakailang tuloy na silang tatlo lang nina Mark at Jake ang nasa mesa. Pati si Mark hindi alam ang gagawin at patingin-tingin lang ito sa paligid.

“Hmm pare I’ll excuse muna,” kapagkuwan ay sabi nito “ma’am…” tango nito sa kaniya na tinanguan din niya.

‘Urgh!!! Parusa ba ‘to!?’ sigaw na naman ng kaniyng isipan.

Ngayong silang dalawa nalang ni Jake ang naiwan sa mesa. At pakiramdam niya ay nilulunod siya ng lalaki sa isang kumunoy dahil sa pagkakatitig nito sa kaniya.

‘Calm down Danica! Don’t lose your guard dahil sa lalaking ‘to!’ kastigo niya sa kaniyang isipan.

“Kumusta ka na?” maya-maya’y tanong nito sa kaniya.

“Maayos naman”

“I can see that.” Sabi nito “mukhang hiyang ka sa pagiging misis ah.” Kumento ni Jake.

“At mukhang hiyang ka din sa pagiging Mister mo.” May pagka sarcasm ang tinig niya.

“I don’t have a wife.” Sagot ni Jake na ikinagulat niya na ikinadilim ng mukha niya.

“Hanggang ngayon ba naman ay pagsisinungalingan mo pa rin ako?” hindi na niya natiis ang pagtaasan ito ng boses.

“I don’t know what you’re thinking Mrs Trambley. Sinabi ko na sa ‘yong wala akong asawa.” Kalmadong sagot ni Jake.

“Si Brylle. Di ba nagpakasal kayo?”

Umayos ng upo si Jake “We were engaged. But she back out.”

‘ANO!?’ mas ikinagulat niya ang rebelasyong iyon.

“W-why?” naguguluhang tanong niya dito.

“Gusto mo talagang malaman?”

Hindi niya alam kung makiki-usyoso pa ba sa buhay nito o di na. Pero kalaunan naisip din niyang kailangan niya ng sagot. Ayaw niyang mamuhay sa maling akala. Maling espikulasyon. At maling pambibintang.

Tumango siya kay Jake.

“One month before our wedding, Brylle thought of letting me go. She said I wasn’t happy” may konting lungkot sa boses ni Jake “she said I was pre-occupied by someone. But now we’re good friends.”

Natahimik siya sa sinabi nito. Pero naisip niyang hindi siya dapat magpakita ng kahinaan kay Jake. Limang taon siyang namuhay na wala ito. At limang taon din niyang sinumpa na kaya niyang magpatuloy na wala ito sa kaniyang tabi. Pinunan na ni Pierre ang lahat ng pagkukulang ni jake sa kaniya noon. Masaya na siya sa kaniyang desisyong magpakasal kay Pierre. Kailan man ay hindi niya naranasang masaktan o magdalamhati dahil isang mapagmahal na asawa ang pinili niya.

Tumikhim si Jake na ikinabalik ng kaniyang diwa.

“You look different….” Sabi nito na tinitigan siya mula ulo hanggang bewang “…but I like it” sabi nito na may nakakalokong ngiti sa labi.

‘Bastos talaga! Ano na naman kaya ang iniisip nitong ungas na to?’

Nakita niya ang paghinto ng tingin ni Jake sa ‘harapan’ niya. Hindi niya natiis na takpan ng dalawang braso ang dibdib niya dahil sa lantarang pambabastos ni Jake sa kaniya.

“Kahit kelan ang bastos-bastos mo.” Sabi niya dito.

“What?” pa inosenteng sagot nito “I’m just admiring your bestest assets. Hindi kase ganyan ka eye capture yang tinatakpan mo noon e.”

Ang 'syota kong promdi COMPLETEजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें