46 - Wind - Glass

2.2K 115 8
                                    

(POV Aliya)


Last night was a full moon. Ikinasal si Aristraeus at si Arcella sa kanilang respective Amore sa Old City. Kasabay ng kanilang pag-iisang dibdib ay ang tila paghina ng aking katawan. I can feel that my power is gradually depleting whenever I am traversing from one place to another. Siguro dahil nakatakda na si Shawn Castello sa ibang babae. His wedding to Magnolia Fuentes sealed my death.


"May bisita kang pogi! May bisita kang pogi," sabi ni Mr. Grey.


Paglingon ko sa aking likuran, my eyes widened when I saw Shawn Castelo inside my cabin. He followed me here and I did not even felt his presence.


There is something terribly wrong with the goddess of air...


"How did you---"

"Sinundan kita. Hindi mo ba ko naramdaman?" tanong niya sa akin habang nakakunot ang noo.


Umiling lang ako sa kanya. Nabanggit ko na kay Arthos na tila nanghihina ako. He also felt that a huge chunk of his power vanished in an instant, but he does not feel weak. Siguro dahil may chance pa rin na mahalin siya ni Camilla Villarosa.


Samantalang ako, ikakasal na sa iba ang Amore ko...


"Shawn, kung gusto mo umuwi, magsimula ka na bumaba ng bundok habang maliwanag pa. I can't use my power anymore para gumawa ng isa pang portal," sabi ko kay Shawn habang nagpe-prepare ng merienda sa kitchen.


Kinakabahan na naman ako dahil kasama ko ang lalaking ito. Kahit nanghihina ako, ang puso ko naman ay mukhang active sa kakatibok.


"Aliya, weekend naman bukas. Pwede ako mag stay dito sa cabin mo ng ilang gabi---"

"Seriously, Shawn? You avoided me for days, and now you want to spend your nights with me. Bakit hindi mo ubusin ang gabi mo sa piling ng PE teacher mo?" inis kong tanong sa kanya.


Imbes na sumagot, humalakhak lang si Shawn habang nakaupo sa chair. Gusto ko lagyan ng lason ang Lemonade juice na tinitimpla ko dahil napipikon na ko sa kanya.


"Hoy, Shawn Castelo, anong nakakatawa?" tanong ko habang papalapit sa kanya.

"Aliya, you are the goddess of air. Isa kang makapangyarihan na nilalang pero nagseselos ka sa isang hamak na PE teacher? Hindi ba nakakatawa 'yon?"

"For your information, hindi ako nagseselos!"

"Aliya, heads up lang, wala pang nangyayari sa amin ni Magnolia kaya wag ka na magselos."

"Oh really? Are you saving it for your wedding night?" I asked him as I gritted my teeth.

"Easy, Aliya. Nagiging goddess of polluted air ka dahil sa dark aura mo," natatawa na sabi ni Shawn.


Sa sobrang inis ko, inabot ko ng padabog sa kanya ang Lemonade juice sa baso. Iiwasan niya ko ng ilang araw, tapos haharutin na naman niya ko. Alam naman niya na wala akong kakayahan para tanggihan siya.

Four Forever [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora