72 - Air - Reincarnated

1.4K 59 0
                                    

(POV Mizuki)


"Mizuki... Mizuki..."


Isang boses ang tila nagpagising sa akin sa napaka habang pagtulog. Isang hindi pamilyar na boses ang tumatawag sa akin na ngayon ko lang ata narinig.


"Maaga kami aalis ng daddy mo. Baka sa weekend pa kami umuwi. Ikaw muna ang bahala dito sa bahay," sabi ng isang middle-age na babae sa akin habang inaayos ang isang school uniform.

Hindi ito kamukha ng uniform ko sa state university sa Northern Luzon kung saan kami dati nag-aaral ni Aristraeus. Mukha itong uniform ng mga Japanese students dahil mini skirt at may kapares na vest.

Inikot ko ang paningin ko at mukhang nasa loob ako ng kwarto ng isang estudyante. Napabalikwas ako ng bangon nang makita ko ang isang pink na puno sa 'di kalayuan. This is a cherry blossom tree. Mukhang wala ako sa Pilipinas, mukhang nasa Japan ako.

Nagpaalam sa akin ang babae na Filipina at ang isang matandang lalaki na Hapon. Hindi ko alam kung sino sila at kung bakit ako nandito. Mukhang sila ang tumatayong mga magulang ko sa mundong ito.

Nagmamadali akong humanap ng salamin at nagulat na lang ako nang makita ko ang reflection ko. Mukhang nasa ibang katawan na ko dahil hindi ko kilala ang babaeng nakikita ko sa salamin. She looks like a half Filipina half Japanese girl in her late teens or early twenties.

Malayo sa hitsura ng tunay na Aliya...

I tried to access my elemental powers, but it seems that I am a mortal in this world. Para akong nanghina at napaupo sa kama. Ang huling alaala ko ay pumasok kami ni Shawn sa isang pintuan sa Paradiso. I am supposed to be dead, but it seems like I was reincarnated to someone else.

Kung nasa Japan ako, nasa Pilipinas ba si Shawn?

Hindi na importante kung sino ako ngayon. I need to know if Shawn is alive. Mabilis kong binuklat ang mga notebooks ko na may sulat na Japanese characters. It looks like my name in this world is Mizuki Hideki. The same name that I fabricated when I pose as a human when I was still the goddess of air.

Nagmadali kong hinanap ang wallet ko at nandoon ang passport ko bilang si Mizuki Hideki. Kailangan ko lang makahanap ng pera para makasakay ng eroplano papunta sa Pilipinas. Nasa kalagitnaan ako ng paghahalungkat ng gamit nang tumunog ng paulit-ulit ang doorbell namin. Wala tuloy akong choice kundi buksan ang pinto.

"Bakit hindi ka pa bihis?" tanong ng lalaki na may suot na eyeglasses.

Tulad ko, mukhang half Filipino at half Japanese din siya. Matangkad, maputi at payat na parang isang nerd. Base sa damit niya, mukhang estudyante din tulad ko. For a few seconds, he is just staring at me like he is fathoming the secret of the universe in my eyes.

"Bakit natulala ka na diyan? Magbihis ka na baka ma-late tayo," he abruptly said after a long silence sabay pasok sa bahay namin at upo sa sofa sa living room.

Sino ba ang lalaking ito? Kaibigan ni Mizuki? Jowa kaya niya?

Mabilis akong naligo at nagbihis ng uniform. Pagbaba ko sa living room ay biglang hinatak ng lalaki ang kamay ko palabas ng bahay papunta sa kotse niya. Napansin ko agad na nakaparada sa harapan ng bahay namin ang isang magarang Mazda red sports car.

Mukhang mayaman ang lalaking kasama ko. Hahanap na lang ako ng tiyempo at manghihiram ako sa kanya ng pera para makabalik sa Pilipinas para mahanap si Shawn.

"Ang bagal mo kumilos. Malamig na ang kape mo," sabi ng lalaki sabay bigay sa akin ng brewed coffee.

Sinulyapan ko ang ID niya at napansin ko doon ang pangalan na Chiba, Shinichi. Hindi ko tuloy alam kung ano ang itatawag sa kanya dahil hindi ko alam kung sino siya sa buhay ko.

Hindi kaya siya si Shawn? Na-stuck din kaya siya sa katawan ng lalaking ito?

Minabuti kong manahamik kaysa magtanong. I will deal with this one at a time. Kasabay ng pagdating namin sa school ay napansin ko ang isang silver sports car. Maraming mga babaeng nag aabang at nagtitilian sa pagdating ng sasakyan. Mukhang may classmate kami a celebrity.

Bumukas ang pinto ng sports car at lumabas ang lalaking naka school uniform na may suot pa na sunglasses. Bukas ang lahat ng butones ng kanyang polo na parang sinasabing siga siya ng school.

"Sino 'yan? Anak ng principal?" tanong ko sa lalaking katabi ko..

"That is Ryouta Akiyama."

"Ang daming fans ah?" sagot ko sabay tanggal ng seat belt.

"Mizuki, Ryouta is your boyfriend," naka kunot noo na tanong ng lalaking katabi ko.

"Boyfriend ko ang lalaking 'yon? Eh sino ka? Bakit ikaw ang sumusundo sa akin?"

"I am just your best friend," nakangiti na sagot niya sa akin.

I am just your best friend? Parang may bitterness sa huling salita na sinambit ni Shinichi.

I have a rich best friend and a school heartthrob boyfriend. Pareho ko na lang silang hiraman ng pera para makabalik ako sa Pilipinas.

Natawa ako ng lihim dahil sa mga iniisip ko. Kung ako pa si Aliya na goddess of air, hindi ko magagawang manghiram ng kahit konting barya sa kanila. Pero kailangan ko isang tabi ang pride ko. Kailangan ko itong gawin para kay Shawn Castelo.

"Shin? Shinichi? Shin Shin?" tanong ko sa lalaking katabi ko.

"May problema ba, Mizuki?"

"Kung manghihiram ba ko sa'yo ng pera, let us say malaking halaga. Matutulungan mo ba ko?"

"Saan mo naman gagamitin?" nagtataka na tanong niya sa akin.

"Balak ko magbakasyon sa Pilipinas."

"Sa gitna ng school year? Are you crazy?"

"So hindi mo ko mapapahiram? Nevermind. Doon na lang ako sa boyfriend kong mukhang antipatiko manghihiram. Thanks for the ride," sabi ko sa kanya bago tuluyang lumabas ng kanyang sasakyan.

Hindi ko alam ang personality ni Mizuki, pero based sa mga pictures niya, hindi naman siya mukhang campus slut. But I can't be so sure, looks can be very deceiving.

Four Forever [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon