74 - Air - Club

1.1K 60 0
                                    


(POV Mizuki)

The same day, pumayag si Shinichi na pumunta ko sa Pilipinas, pero papahiramin lang daw niya ako ng pera kung siya mismo ay sasama sa akin.

Habang nasa eroplano kami ni Shinichi, nagsimula akong mag research tungkol kay Shawn Castelo, pero walang kahit anong traces ng Shawn Castelo sa mundong ito. Muntik na akong mapasigaw nang makita ko ang isang article tungkol kay Blaze Azevedo at kay Camilla Villarosa. It seems that they got married a year ago.

"Do you know him? This Blaze Azevedo?" tanong ni Shinichi nang makita niya na napatakip ako ng bibig sa nabasa ko.

"Yeah I know him. He knows the real me."

"And who is the real you?"

"I am Aliya, the goddess of air. I was the goddess of air pala dahil tao na ko ngayon sa katawan ni Mizuki Hideki."

Pansin ko na pinipigilan lang ni Shinichi ang tumawa dahil sa sinabi ko. Sabagay, sinong matinong tao ang maniniwala na isa akong dating dyosa. Malamang sinasakyan niya lang ako sa mga kakaibang sinasabi ko.

Dahil apat na oras lang ang flight mula Japan pabalik sa Pilipinas, maagap pa lang ay nakarating na kami ni Shinichi. We stayed in a hotel na malapit sa club ni Blaze Azevedo. I am not sure if we can find him here ngayong mag-asawa na sila ni Camilla.

"I made some phone calls and a friend of mine confirmed that Blaze Azevedo will arrive in his club later tonight," sabi ni Shinichi habang nakaharap ako sa laptop.

"Thanks, Shinichi. Bakit kanina ka pa nakatayo? Ayaw mo ba ko katabi sa bed?"

"We should have rented two rooms."

"Magastos 'yon. Best friend mo naman si Mizuki. Wala naman masama kung magkasama kayo sa isang kwarto. Come here, don't be shy," sabi ko sa kanya sabay tapik sa kama.

Pansin ko na medyo awkward si Shinichi sa akin dahil nasa loob kami isang kwarto. Siguro dahil may pagtingin siya sa akin at more than friend ang turing sa best friend niya.

Sa loob ng ilang oras, wala akong nahanap na kahit anong information tungkol kay Shawn Castelo or kahit kay Saturnino Castelo. It is like their identities were removed on the face of the earth. Samantalang si Blaze at Camilla naman ay mukhang may happy ending sa piling ng isa't isa.

Pagdating ng gabi, pumunta kami sa club ni Blaze Azevedo. Buti na lang at may damit na pang party si Mizuki Hideki. Wala akong kahit anong damit na ganito sa pagkakaalala ko.

"Nasa highest floor ang office niya. I already made an appointment to speak with him," sabi ni Shinichi na hinila ko papasok ng elevator.

"Maaasahan ka talaga, Shinichi. In love ka siguro sa akin kaya mo na gagawa ito noh?" biro ko sa kanya.

"Boyfriend mo pa din si Ryouta---"

"Break na kami, pero ako lang ang may alam. Kakausapin ko siya pagbalik ko natin school at sasabihin ko na wala na kami. Bakit ko ba nagustuhan ang lalaking 'yon?"

Shinichi just shrugged his shoulders as if wala din siyang idea kung bakit ko naging boyfriend ang isang tulad ni Ryouta. Pagpasok namin sa loob ng office, nakaupo na si Blaze sa kanyang swivel chair. He looks exactly the same except wala na ang kanyang red hair at blue eyes.

"Arthos..."

"Aliya..."

Nagmadali akong yumakap sa kanya nang binanggit niya ang pangalan ko. Arthos may be an asshole, but he was a good brother to me. Though nag aalinlangan siya noong una, niyakap din niya ko nang maramdaman niya na tumutulo ang luha ko.

"You look different, totally different," nakangiti na sabi niya habang pinupunasan ang luha ko.

"Where is Camilla? Kasal na kayo? Kailan kayo nakabalik? May balita ka ba kay Shawn?"

"Isa isa lang ang tanong. Take a seat," sabi ni Blaze na niyaya ako sa sofa.

"Arthos, this is Shinichi Chiba, best friend ni Mizuki Hideki. Siya ang tumulong sa akin para makabalik dito at mahanap ka. Apparently, I am trapped inside the body of a school girl. I need your help to find Shawn---"

"Shawn is gone."

"What do you mean Shawn is gone? Nakabalik ka dito pati si Camilla ah!"

"There is no Shawn Castelo living in this world. He did not make it. Hindi ko alam kung nasa Paradiso pa siya or nasa Old City as he was the son of the Reaper King. I already used my resources, there is no Shawn Castelo in this universe."

Ipinaliwanag sa akin ni Arthos na naunang bumalik sa kanya si Camilla ng isang linggo mula sa Paradiso. Katulad ko, walang kahit anong kapangyarihan si Arthos. Tila binigyan siya ng panibagong buhay pero bilang isang tao para makasama si Camilla.

"I will wait for him. He will find me. I know that he will find me," confident na sabi ko kay Arthos.

"I hope you find him too."

Arthos just flashed his all knowing smile. Kahit nasa ibang katawan ako, alam ko na tutulungan pa rin ako ni Arthos na mahanap si Shawn Castelo. Kahit maghintay ako ng matagal, gagawin ko. Hindi ko alam kung kailan babalik mula sa Paradiso si Shawn pero nagtitiwala ako na babalik siya.

Maghihintay ako sa muli niyang pagbabalik.

Four Forever [Completed]Where stories live. Discover now