23 - Air - Shawn

2.4K 115 4
                                    

(POV Shawn)


That stupid selfie almost killed me, but thanks to my rescuer, I was saved. I am expecting na nasa hospital ako or nasa clinic ng isang ranger house, pero di ko akalain na magigising ako sa loob ng isang malawak na kwarto.


"Ang sexy ni pogi! Ang sexy ni pogi!"


"Shut up, Mr. Grey. Tandaan mo, lalaki ka."


"Blushing ka, type mo si pogi. Type mo si pogi!"


"Tumigil kang ibon ka! Baka marinig ka niya!"


Hindi ko alam kung sino ang nag-uusap pero may naririnig akong boses ng isang babae at isang robot. Malamang nasa panaginip lang ako dahil walang babae dito sa kagubatan. Nakatulog ata uli ako at nagising na lang ako nang makaamoy ako ng Chicken Noodle Soup.


"Mukhang gising ka na. Kumain ka muna," sabi ng babae sa harapan ko may dalang tray ng pagkain.

I noticed that I don't have any clothes on. Ang comforter lang ang tumatabing sa lower part ng katawan ko.

"Wait, 'di ba ikaw si Mizuki Hideki?" tanong ko sa babae.


Di ako maaaring magkamali, ito ang kilalang saxophone player sa school. Member din siya ng student council at girlfriend ata ito ni Kane Benavides.


"Call me Mizzy. How did you know me?" naguguluhan na tanong niya sabay bigay sa akin ng tray na may pagkain.

"Schoolmate tayo. Sa Engineering department ako. I am Shawn Castelo, ang basketball captain ng boyfriend mo."

"Boyfriend ko? May boyfriend ako?"

"Hindi ba boyfriend mo si Kane?"


Umiling lang siya at tumawa sa sinabi ko. She looks really pretty sa malapitan. She is like an angel with her lovely face. I wonder why her name sounded Japanese is when she does not even have a slight semblance to person of Japanese descent.


Teka, anong ginagawa niya sa bundok? Nag-iisa ba siya dito?


"Mizzy, ikaw ba ang nagligtas sa akin?"

"Siya nga! Siya nga! Siya nga!" sigaw ng isang gray na parrot sa di kalayuan.


Ito siguro ang naririnig kong boses kanina na parang robot.


"May cabin kasi ang parents ko dito. I am staying here every weekend and school break. I saw your floating body sa river kaya mabilis kita tinulungan. I thought you were dead. I am glad you are fine," nahihiya na sabi ni Mizzy.


Mizuki has a small built. I doubt na kaya niya kong buhatin kahit tulungan pa siya ng kanyang talking parrot. I also remember the pain in my forehead dahil alam ko na tumama ang ulo ko sa isang matulis na bato.


Surprisingly, wala na akong sugat sa mga oras na ito...


Before I lost consciousness, I know I saw a glimpse of a portal-like apparition. She carried me inside the portal and in a snap, andito na kami sa cabin niya. I may be dreaming, or maybe because I hit my head, but there is this weird feeling in my gut, that this girl is beyond ordinary.


"Maraming salamat, Mizzy. Kung hindi dahil sa'yo, I am probably a corpse by now. Do you happen to have a radio that I can use? Baka nag-aalala na ang mga kasama ko sa akin."

"I already called someone na maghahatid sa'yo sa bayan. Kumain ka muna. I am sure na gutom ka na dahil ilang oras ka din na nakatulog."


She called someone? May signal dito sa bundok?


Tumango lang ako sa kanya at nagsimulang kumain. Mizuki is a mystery to me. Kung paano niya ko nailigtas ay malaking palaisipan sa akin.

Four Forever [Completed]Where stories live. Discover now