20 - Earth - Girlfriend

2.6K 125 10
                                    

(POV Macky)


Tumawa lang ako sa sinabi ni Kane. He is not aware that I am willing to accept every piece of him. Wala siyang kamalay malay na mahal siya ng kaibigan niya.


I am in love with an immortal god! This is so wrong in so many ways...


"Macky, alam ko na madalas mo ko sinusundan. You are my ultimate stalker. If I don't have any superhuman ability, hindi ko malalaman na sinusundan mo ko madalas."

"Alam mo ba na sinundan kita kanina sa greenhouse? Did you deliberately show your powers to me?"

"No... I did not feel your presence. Kahit ako ay nagulat dahil nandoon ka na."

"Why do you think that happened? Was it like some glitch in The Matrix?

"As I have told you numerous times, I am not allowed to fall in love with any human because I will lose my godly powers. Hindi kita naramdaman kanina sa greenhouse. It must be one of the effects of falling in love with a human being," seryosong sabi ni Kane sa akin habang nakatingin sa akin.


Oh shit... In love na si Kane! Paano ko haharapin ang kanyang future girlfriend?


Naiisip ko pa lang na may jowa na siya, parang dinudurog na ang puso. Dapat kasi may batas na bawal ma-inlove sa bestfriend.


"Kane Benavides is in love? Kanino? Doon ba sa sexy cheerleader na humahabol sa'yo? Or doon sa student council member na palagi ka dinadalhan ng pagkain? Si Mizzy?"

"I don't know, Mackenzie. You tell me. Stalker kita, 'di ba?"


Hindi lingid sa akin ang madalas na makipagkita si Kane kay Mizuki Hideki after class. Si Mizuki ay isa sa mga member of the student council member at kilalang saxophone player. Kung may babae na malapit kay Kane bukod sa akin, si Mizzy 'yon.


Sabagay, lalaki lang si Kane. Hindi nakapagtataka kung may mga extra curricular activities siya with other girls. There is a rumor na ang secret girlfriend ni Kane ay si Mizuki. May mga moment na palagi silang nag-uusap na dalawa at wala lang akong lakas ng loob ng magtanong sa kanya.


"Wala akong alam sa lovelife mo, Kane. Wala din ako balak alamin kung kanino ka na-inlove. Ok na sa akin na pinagtapat mo kung anong klase kang nilalang," inis kong sabi sa kanya sabay kuha ng ice cream tub para kumain.


Alam naman niyang may feelings ako sa kanya noon pa, pero mas pinili niya na ibang babae ang makasama instead of me. Sabagay, magaganda ang mga babaeng humahabol kay Kane. Isang simpleng kaibigan lang ako para sa kanya.


Sinubukan ko na i-divert lang ng inis ko sa ice cream na kinakain ko. Nakalahati ko na ang ice cream tub nang mapansin ko na nakatingin sa akin sa Kane habang nakakunot ang kanyang noo.


"Bakit ganyan ka makatingin sa akin? May dungis ba ako?" tanong ko sa kanya.

"Actually, yes."


Kinuha ni Kane ang spoon at ice cream tub sa akin. Without warning, he cupped my face ang gently kissed my lips.

Ang mga labi niya ay dahan dahan na hinahaplos ang lower lips ko as if sinisimot ang naiwan na ice cream. Hindi ko alam kung ano ang mas delicious, ang ice cream or ang labi ni Kane.


"Kane..."

"I think I am falling in love with you, Mackenzie. Please don't let me die," bulong niya sa akin na di pa rin binibitawan ang labi ko.


I found myself wrapping my hands around his neck. I don't care kung saan na galing na mundo si Kane, ang tanging alam ko, mahal ko din siya.

In a blink of an eye, wala na kami sa living room. Nakaupo na kami sa ibabaw ng malaking kama. I gently pushed him away nang ma-realize ko na nasa loob na kami ng isang kwarto.


"Did we just---"

"Yes, we teleported inside my room. Did I scare you?" mahinang tanong niya sa akin.

"Hindi naman... Nagulat lang ako---"

"Good... Then, let me kiss you again."


Kane grabbed my nape and kissed me throroughly. Di ko mapaliwanag ang nararamdaman ko pero masaya ako na mahal din pala ko ni Kane. Matagal na ako may feelings sa kanya. Hindi dahil gwapo at matalino siya, kundi dahil may mabuti ang puso niya.


Sino ang may sabi na bawal ma-inlove sa bestfriend?

Four Forever [Completed]Where stories live. Discover now