5 - Fire - Professor

3.4K 150 19
                                    

(POV Camilla)


Pagmulat ng mga mata ko, hindi si Professor Montenegro ang nasa harap namin kundi si...


"Good morning, class. I am Professor Blaze Azevedo. Moving forward, I will be taking over Mrs. Montenegro's Quantum Physics class."


Ang mga iba kong classmates, kinikilig dahil sa hunk na nasa harapan namin. Even Kenneth and Zia are so excited dahil sa aming bagong professor.

Nagsimulang mag discuss si Blaze about sa nature and behavior of matter in atomic and subatomic level. Kung hindi ko kilala si Blaze na isang blue fire sorcerer, iisipin ko na isang siyang magaling na professor dahil sa husay niya sa Quantum Physics.

He caught everyone's attention at lahat ng estudyante ay nakikinig talaga sa kanya. Nang matapos ang klase, saka lang ako nakahinga ng maluwag.


"Camilla, saan ka pupunta?" tanong ni Zia sa akin nang sinundan ko si Blaze palabas ng classroom.

"Sa clinic, I feel sick. Babalik agad ako."


Sinundan ko si Blaze habang naglalakad siya sa corridor. When he turned left, nagsimula akong tumakbo para sundan siya, pero pagdating ko sa dulong bahagi ng corridor, he is nowhere to be found.


Nagteleport na naman ba siya gamit ang kanyang warp portal?


"Why are you following me, Ms. Villarosa?" tanong ni Blaze na biglang lumitaw at nakasandal sa wall.

"May lahi ka ba talagang magician? Appear disappear ang peg?" inis kong tanong sa kanya habang hawak ang puso ko.

Sobrang kinabahan ako nang bigla siyang sumulpot ng walang pasabi. Akala ko sasabog ang puso ko sa sobrang kaba.

"Again, why are you following me, Camilla?"

"Bakit ka ba andito sa university? Kailan pa naging Physics professor ang isang tulad mong businessman?"

"Is that how you talk to your new professor?" he asked with a self-satisfied smirk.


Natutuwa siguro si Blaze dahil naiinis na ako sa mga oras na ito. Nag-eenjoy siya na isa siyang professor at ako ay isang hamak na estudyante lamang.


"Answer me, andito ka ba dahil sa akin?" tanong ko sa kanya.


He just laughed at me as if nakakatawang bagay ang tanong ko. A condescending laugh that means to belittle me.


"Camilla, hindi lang ikaw ang babae sa mundo. Do you think that you are special para puntahan pa kita dito sa school mo?"


He is right. Blaze Azevedo is a gorgeous man at maraming babae ang naghahabol sa kanya, hindi ako isang kawalan. Nagkataon lang siguro na siya ang naging Physics professor ko.


"Blaze, if you are worried na ipagkakalat ko ang sikreto mo, you can be assured that your secret is safe with me."

"Will anyone believe you kung sasabihin mo man ang nasaksihan mo?"


He is right again. Walang taong nasa matinong kaisipan ang maniniwala sa akin sa mga nasaksihan ko kay Blaze.


"Well, I guess our conversation is over," sabi ko kay Blaze bago ko siya iwan.


He did not follow me and he did not say anything. He is just probably here for a reason and it is not because of me.


Pagbalik na ko ng classroom, biglang lumitaw na naman ang bluish fire portal ni Blaze sa harapan ko. Huli na ang lahat dahil hindi ko na namalayan na na-transport na naman ako sa ibang lugar. Sa isang hakbang lang, napunta ko sa isang malaki at madilim na cave.

Walang tao sa loob at parang isang part ng hell dahil may kalat kalat ng torches. I know that Blaze is responsible for bringing me here.


"Blaze, alam ko andyan ka!" sigaw ko na umeecho sa buong lugar, pero walang traces ni Blaze Azevedo.


Did he punish me at iniwan sa isang forsaken na lugar?


Nagsimula ako umikot sa loob ng malaking cave. It looks endless at wala atang katapusan ang cave na ito.


"Blaze! Asan ba ako? Bakit mo ba ko dinala dito? May klase pa ko, ano ba!"


Sumisigaw na ko, pero walang Blaze Azevedo na nagpaparamdam sa akin. Sinubukan ko umupo sa gilid ng wall ng cave. Yumuko lang ako at nagsimulang matulog. If he is getting back at me because I rejected him last night, then be it. Itutulog ko na lang ito.


Alam ko matagal tagal na din ako naidlip, pero wala pa din si Blaze pagdilat ng mga mata ko.


"Blaze! Pakawalan mo na ko dito! Nagugutom na ko!" sigaw ko sa kanya.


Biglang nagkaroon ng mild earthquake at napansin ko na may liwanag sa dulong bahagi ng cave. I can hear a soft roaring sound na nagmumula sa liwanag. Naramdaman ko din na unti unting umiinit ang paligid.

I was stunned when I saw the source of light and sound. Enormous amount of lava is slowly flowing towards my direction and I don't have a choice, but to ran away from the molten rocks.


"Blaze! King-ina ka naman! Anong laban ko sa lava!" sigaw ko kay Blaze habang tumatakbo palayo sa lava flow na parang hinahabol ko.


Dahil sa isang nakausli na bato, bigla akong nadapa at nagasgas ang mga braso ko. Wala ako sa panaginip dahil nararamdaman ko ang sakit at hapdi ng mga sugat ko. Mabilis akong tumayo at tumakbo palayo sa papalapit na lava.


"Fuck you, Blaze! I am gonna fucking kill you kapag nagkita tayo!" sigaw ko habang tumatakbo.


I noticed that the amount of lava is increasing. A few meters more at aabutin na ko ng lava. Tostadong Camilla Villarosa ang kalalabasan ko nito.


I ran as fast as I can, but I abruptly stop nang marating ko ang dulo ng cave. I am literally in a dead end and there is no way out. I closed my eyes at hinintay na lamunin ako ng lava na paparating sa akin.


Kung nasaan man ako ngayon, isa lang ang alam ko. 

I fucking hate Blaze Azevedo...

Four Forever [Completed]Where stories live. Discover now