63 - Water - Nebula

1.6K 67 1
                                    

(POV Avery)


Hindi ko gusto ang suggestion ng Reaper Prince na si Zade na puntahan ang sinasabi nilang god of darkness. Wala akong masyadong alam sa mga Primordial gods, lalo na sa god of darkness na si Zarkus.


"What are you thinking? Are you scared?" bulong ni Chaz na nakaupo sa tabi ko.


Wala akong masyadong makita dito sa loob ng tunnel. Kahit kalmado na naglalayag ang bangka sa ibabaw ng maitim na tubig, hindi ko pa rin maiwasan ang matakot. Tulad nga ng sabi ni Chaz, we have limited powers here in the Underworld. This is not our world.


"I am thinking about Zarkus. Do you think he will help us? He is the freaking god of darkness! Kahit ama pa siya ni Mackenzie, I don't think we are welcome in his place," mahina ko na sagot sa kanya.

"I trust Zeon. He will not let us wander in the Underworld without any protection. May reason kung bakit niya tayo pinayagan na pumunta dito. I have a feeling that he deliberately leads us here."

"Zeon, the god of light? Ang tunay mo na tatay?"

"When we got married, I remembered about my past life in the Old City. Zeon is an asshole, but he was a good father. Tulad ng daddy ko mundo ng mga tao, mapagmahal na ama ang god of light," sabi ni Chaz sabay turo sa bandang unahan.


Nakaupo sa unahan na parte ng bangka si Mackenzie at si Aristraeus. Nasa unahan naman nila ang Reaper servant na si Zinia, samantalang nakatayo naman sa front edge ng bangka ang nagsisilbi naming boatman.

Nagulat na lang ako nang makita ako ng isang water-like wall na tinuturo ni Chaz sa bandang harapan namin. Kahit nasa likuran kami, hindi maitago ni Zinia ang kanyang nakakaloko na ngiti.


"My lords, we will be arriving shortly to Nebula, the kingdom of the Primordial god of darkness," nakangisi na sabi ni Zinia.


Sa loob ng ilang saglit, tumagos kami sa maitim na tubig na parang isang black transparent veil. Para itong boundary between sa mundo ng mga Reapers at sa mundo ng Primordial god of darkness na si Zarkus.


Lahat kami ay nagulat nang makita namin ang kakaibang mundo na pinuntahan namin. Wala na kami sa sewer tunnel at mukhang nasa isang malawak na kaming dagat or lawa. Tulad ng entrance sa Underworld, ang buong lugar ay medyo madilim. Kulay itim pa rin ang tubig na parang may scary creatures na nakatira sa ilalim nito.


Ang buong lugar ay napapalibutan ng maraming black clouds, parang Nimbus clouds na magdadala ng malakas na ulan, pero kumikinang ito na parang may small gemstones sa loob. The name Nebula means an interstellar clouds made of gas. I think this is a fitting name of this place.

Pagkatapos ng ilang minuto na paglalayag, huminto ang bangka sa isang isla na napapalibutan ng itim na ulap. Bumaba kaming lahat sa isang port pero hindi sumunod sa amin si Zinia.


"Aren't you going to join us?" disappointed na tanong ni Chaz kay Zinia.

"We don't know anything about this place. Your expertise in the Underworld can surely help us," dagdag na sabi ni Aristraeus, pero bigla siyang kinurot ni Mackenzie dahil obvious sa mukha ng mga lalaking ito na attracted sila kay Zinia.


I can't actually blame them. Zinia is really gorgeous. Marami na akong nakilala na fashion models at celebrity sa mundo ng mga tao, pero iba ang ganda at charisma ni Zinia. I wonder kung ano talaga ang papel niya sa buhay ng Reaper Prince na si Zade.


"I apologize, my lords. I am not authorize to enter the kingdom of Zarkus," sagot ni Zinia sabay bow sa amin na parang nagpapaalam na.

"I think we can handle it from here. Thanks for your help, Zinia," nakangiti kong sabi sa kanya habang tinatago ko ang aking inis kay Chaz at Aristraeus.

Napansin ko na hinila na ni Mackenzie si Aristraeus palayo sa port bago pa ito makapagpaalam kay Zinia. Wala naman akong nagawa kundi hilahin din si Chaz para sundan sila Mackenzie.

"Na-disappoint ka ba na hindi natin kasama si Zinia?" tanong ko kay Chaz habang naglalakad kami.

"A gorgeous tour guide is not bad."

"Not bad? Hindi niyo nga maitago ni Aristraeus ang pagnanasa niyo kay Zinia eh!"

"I am just a man. I am designed to admire mesmerizing creatures," nakangiti na sagot niya sa akin na parang nang-aasar.

"Are you deliberately making me jealous?"

"Are you jealous?"


Hindi ako sumagot at ngumiti lang sa kanya. Nakaka-gigil ang lalaking ito. Kung hindi ko lang siya mahal, baka itinulak ko na siya kanina pa sa bangka.

Tumawa lang si Chaz at inakbayan ako habang naglalakad kami. Hindi namin alam kung saan talaga kami pupunta at sinusundan lang namin ang makitid na pathway na gawa sa shiny black stones. Ang buong lugar ay puno ng sparkling black clouds at ang pathway lang na ito ang nagsisilbi na clear pavement.


"This is the end of the road," sabi ni Aristraeus sabay turo sa dead end ng pathway.

"Nasaan na ang sinasabing kaharian ni Zarkus? Bakit puro ulap lang ang nandito? Baka naman sadya tayong niligaw ni Zinia---"


Naputol ang sasabihin ko nang dahan dahan na naglaho ang maitim na ulap sa harapan namin at tumambad ang isang castle na napapalibutan ng itim na puno. It reminds of Japanese imperial castle na maraming cherry blossom trees. Ang tanging kaibahan, ang mga bulaklak ng puno ay kulay itim at ang castle mismo ay glossy black.


Sabay sabay kaming apat na pumasok sa loob ng black castle. Tulad ng inaasahan ko, it looks like a royal castle with black carpet and black curtains. Ang mga ceiling ay may black crystal chandeliers, pero madilim at puno ng mist ang paligid.


An appropriate palace for the god of darkness.


Unlike Zade's castle na maraming Reapers, walang kahit sinong tao or servant na nandito sa loob ng throne room. Napansin namin ang isang lalaki ang nakaupo sa silver throne, pero hindi namin maaninag ang mukha niya dahil madilim sa buong hall.


"It is exceptionally rare for me to have any guests," sabi ng lalaki na nakaupo sa royal seat.


Biglang bumukas ang isang spotlight at tumutok ang ilaw sa lalaki na para siyang isang bida sa isang theatre show. He is wearing a black top hat and a silvery-black suit na parang isang senior citizen na fashion model. His presence alone is exuding with confidence and wisdom.


There is no doubt that the man in front of us is Zarkus, the Primordial god of darkness. 

Four Forever [Completed]Where stories live. Discover now