45 - Wind - Off Limits

2.2K 116 5
                                    

(POV Shawn)


Magnolia Fuentes is my childhood friend. Bata pa lang kami ay nakatakda na aming kasal dahil parehong magkaibigan ang mga magulang namin. Both of our parents are businessman at makakatulong sa business namin ang aming pagpapakasal.


Nagkahiwalay lang kami nang pumunta siya sa Canada para mag-aral. Sa mata ng ibang tao, they know us a perfect couple. Childhood friends turned into lovers, pero may bagay silang hindi alam tungkol sa amin ni Magnolia.


"Siya ba ang current girlfriend mo?" tanong ni Magnolia pagpasok ko sa kotse niya.

"Mizuki is not my girlfriend," maikli kong sagot sa kanya.

"Come on, Shawn. You are so tensed in front of her. Kailangan kinabahan si Shawn Castelo? In love na ba ang baby boy ko?"

"Shut up, Mags. Let us not talk about her. Mabuti pa umuwi na tayo. Hinihintay na tayo nila daddy sa restaurant for our dinner."

"So hindi mo siya girlfriend?"

"Ang kulit mo, Mags! Hindi ko nga siya girlfriend, okay? But just so you know, she is off-limits. Mizuki is mine," I said with emphasis on the word mine.

"Awww, possessive ang baby boy ko! Mizuki looks innocent and fierce at the same time. She is like a combination of simplicity and complexity. She is definitely my type! Pwede ko ba siya harutin?"


Inirapan ko lang si Magnolia dahil sa sinabi niya. Buong akala ng mga tao ay may relasyon kami. Wala silang kaalam alam na babae ang gusto ni Magnolia. Lesbiana ang kaibigan ko, pero wala kaming choice kundi sumunod sa parents namin.


Dapat after ng graduation pa ang kasal namin ni Magnolia, pero pinauwi na siya dito sa Pilipinas para maayos na ang kasal namin sa madaling panahon.


At nakalimutan ko lahat ng tungkol dito nang dumating si Mizuki "Aliya" Hideki sa buhay ko...


"Alam ba niya na ikakasal ka na sa akin?" tanong sa akin ni Magnolia pagkatapos ng mahabang katahimikan.

"I haven't told her yet," sagot ko sabay tingin sa labas ng bintana.

"You love her, don't you?"

"It does not matter if I love her, Mags. Ikakasal na tayo. I will just break her heart."

"Eh 'di pakasalan mo siya before our wedding. Itanan mo! Nasaan ang balls mo, Shawn?"

"Hinahanap mo ang balls ko? Pinauwi ka nga lang ng daddy mo dito, sumunod ka agad. We don't have the power to refuse our parents. Both of us are fucking cowards!"


Tumahimik lang si Magnolia. Sa pagkakaalam ko, may secret girlfriend siya sa Canada. She wants to marry her girlfriend someday, but she is also scared to go against our parents.


"Mags, I have an idea," nakaloko kong sabi sa kanya.

"Tingin mo makakatakas tayo sa wedding natin na hindi nagagalit ang parents natin? Go ahead, I am listening," excited na sagot ni Magnolia.

"Mags, why don't you try to kill yourself? Talon ka sa building or sleeping pills?" biro ko sa kanya.

"Gago! May takot ako sa Diyos noh? And besides, mahal ko ang baby girl ko sa Canada. Hindi ko sasayangin ang buhay ko sa pagpapakamatay. Wala ka na ba ibang suggestion na hindi involved ang buhay ko?"

Four Forever [Completed]Where stories live. Discover now