49 - Earth - Girlfriend

2.4K 104 4
                                    

(POV Mackenzie)


Mackane Benavides, also known as Aristraeus. My bestfriend and now my husband sa mundo ng mga immortals. Tulad nga ng pangako niya sa akin, pinakasalan ako ni Kane sa Old City pagdating ng next full moon.


During this sacred event, nagbalik sa akin ang alaala ko bilang si Artemisia, the goddess of earth. Si Aristraeus pala ay isang Greek fisherman noong unang panahon. Nakatakda na rin ang aming kasal noon, kaso nasawi si Aristraeus sa isang boat accident during a volcanic eruption.


Kasabay ng kasal namin ni Kane ay ang kasal ni Arcella at ni Apolleidon. Masaya ako dahil kabiyak ko na si Kane ngayon, ngunit hindi namin maiwasan ang mag-alala sa dalawang elemental gods na naiwan sa mundo ng mga tao.


"Albi, anong balita kay Aliya?" tanong ni Kane sa aming servant na si Albineus.


After our wedding, sarado ang Old City entrance gate para sa aming mga elemental gods. Hindi kami makakapunta sa mundo ng mga tao at makakalabas lang kami dito pagsapit ng next full moon. Tanging si Albineus ang aming connection kay Aliya, samantalang si Dolphinea ang link ni Arcella kay Arthos.


"The god of fire was visited by the Reaper Prince. It is only a matter of time before he visits Aliya," sagot ni Albi habang naglalakad kami sa Old City.

"Si Zade? Anong sabi niya kay Arthos?" nag-aalala kong tanong ko sa kanya.

"The Reaper Prince just warned him about his forthcoming death."

"Kasama ba niya si Camilla? I mean, si Achillea?"


Tumango lang si Albi sa amin. Noong unang panahon, kami ni Achillea ang madalas magkasama dito sa Old City. Bago niya makilala ang mortal na si Arthos, ang anak ng Primordial god of death na si Zade ay umiibig na sa kanya.


"We have to help them, Kane. Arthos and Aliya will not die of natural death because of their Amore, someone or something is plotting more sinister!"

"Macky, wala tayo kakayahan na tulungan sila. We can't leave the Old City. Sarado ang portal papunta sa mundo ng mga tao."

"Actually, we can. There is another way," nakangiti kong sagot kay Kane.


Umiling lang si Kane sa akin. Aside sa entrance gate ng Old City, may isa doorway papunta sa mundo ng mga tao.


"You are crazy, Macky! Alam mo na walang gumagamit ng daan na 'yon except for the reapers and the god of death. The Reaper King or the death god is a Primordial god. Walang nakakaalam kung nasaan siya. I doubt na nandito siya sa Old City."

"The Reaper Prince can help us. May past kami ni Zade."

"What do you mean may past kayo? Ayusin mo sagot mo, Mackenzie Anne," Kane asked while frowning.

"Nagseselos ka ba, Kane? Kailan ka pa nagtuto na magselos?"

"Ngayon lang, as in now lang! Anong sinasabi mong past niyo ni Zade?"

"May past kami ni Zade kasi friends kami. Si Achillea or si Camilla ang pinaka matalik kong kaibigan dito sa Old City. Isa ko sa mga unang nilapitan ni Zade noon para makuha ang loob ni Achillea."

"Are you telling me na ikaw ang nagsilbing tulay sa kanila?"

"Parang ganun na nga. Ako ang kanilang dakilang bridge, pero hindi si Zade ang Amore ni Achillea dahil mas nahumaling siya sa isang tagalupa na si Arthos."

"Macky, kahit kaibigan mo si Zade, I don't think he can help us. You need the authorization of the Reaper King to use that pathway. Do you think he will just say yes to us dahil kaibigan ka ni Zade?"

"I am not good when it comes to persuasions, but you are underestimating the god of water Apolleidon and the goddess of water Arcella. They have a very powerful convincing power. They might be able to persuade the god of death."

"Macky, we are talking about going to the Underworld! Are you out of your mind? Some powerful rogue reapers can easily trap us in the Underworld for eternity!"


Tama si Kane. Ang mga immortal gods na nagsisilbing mga servants ng Creator ay namumuhay dito sa Old City. A different class of immortals are living in the Underworld. Iba ang mundong ginagalawan nila.

Reapers and even the god of death himself can easily visit the Old City, but we can't easily infiltrate the Underworld. This is an entirely foreign territory to us.


"Kane, madali naman ako kausap. Kung ayaw mo sumama sa akin, ako na lang mag-isa," tampururot kong sagot sabay talikod sa kanya.


Lumakad ako palayo kay Kane at Albi. A smile broke on my face when Kane quickly pulled my arm papalapit sa kanya. Alam ko na hindi matitiis ng bestfriend ko sa kagustuhan ko.


"When are you planning to go to the Underworld?" Kane asked as he sighed in defeat.

"As soon as possible, Kane. Alam mo naman na iba ang oras sa Underworld. One hour in that realm, baka katumbas na 'yon ng ilang araw sa Old City at sa mundo ng mga tao."


Tumango lang sa akin si Kane. Kaibigan niya si Aliya at matagal ko ng kaibigan si Achillea. We need to help them as they are almost human during this transition period.

Four Forever [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon