18 - Earth - Albi

2.6K 119 4
                                    

(POV Macky)


Tahimik kami ni Kane na nasa loob ng kotse. Itinago ko ang mga kamay ko sa pockets ng jacket ko dahil baka makita niya na nanginginig ako sa takot. Takot kung anong pwedeng mangyari sa akin sa kamay ng isang deity ng mga halaman na tulad ni Kane.


"Macky, ano ang nakita mo sa greenhouse?" seryosong tanong niya without looking at me.

"Ha? W-what do you mean?"

"Answer me! Anong nakita mo na di mo dapat makita?"


Huminga ako ng malalim. Kahit di ko sabihin kay Kane ang nakita ko, alam ko na may idea siya na nasaksihan ko kung paano niya binuhay ang mga patay na bulaklak.


"Ang mga flowers..."

"You saw it?"

"Kane, how did you do that? I mean, paano mo nagawang buhayin ang mga halaman?"

"I am an immortal god, the earth god for that matter. And I am forbidden to fall in love with a human."

"Palagi mo sinasabi sa akin 'yan---"


What the fuck? Is he for real? Is he really telling me the truth?


Napatigil ako sa pagtatanong nang mag register sa akin ang huling sinabi ni Kane. Matagal na niya ko binibiro na isang siyang immortal god at hindi ako naniniwala sa kanya. Dahil sa mga nakita ko kanina, malamang nagsasabi nga siya ng totoo.


"Macky, it is hard to explain everything to you. I will just show what you need to know."

"Hindi ka ba nag-aalala na ipagkakalat ko kung ano man ang sasabihin mo sa akin?"

"Mackenzie Anne, I trust you. You are my best friend. But if you will betray me, I can just kill you."

"W-what? Kill me?"

"Joke! Hindi pwedeng mag joke?" natatawa na sagot niya sa akin.


Alam ko naman na hindi ako papatayin ni Kane. Alam ko na mabuting tao siya or should I say, isang mabuting immortal god.


Pagdating namin sa harapan ng bahay ni Kane, biglang bumukas ang dambuhalang gate na digitally-operated.


Gate pa lang, halatang pang mayaman na.


Pagpasok namin sa loob ng property nila, inikot ko ang pangingin ko sa malawak na garden. Puno ito ng napaka gandang mga bulaklak na ngayon ko lang nakita.


Pagbaba ko ng sports car ni Kane, sinalubong agad kami ng maraming aso at pusa. Ito marahil ang mga stray cats and dogs na inampon niya, pero napaatras ako nang makita ko ang isang malaking Polar Bear palapit sa amin.


"May pet ka na Polar Bear? Ang layo natin sa Arctic Circle! Baka pagpawisan 'yan dito!" sabi ko habang umaatras sa palapit na Polar Bear.

"Hindi ka takot sa akin, pero takot ka sa bear?" natatawang tanong ni Kane habang nagtatago ako ng bahagya sa likod niya.

"Saka carnivorous 'yan, 'di ba? Baka kainin niya ang mga pets mo---"


Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang biglang lumiit ang Polar Bear at naging kasing-liit ito ng isang regular size na aso. Lumapit ito sa amin na parang naghihintay ng utos.


"This is Albineus or "Albi" for short. Siya ang kasama ko dito sa bahay. Siya ang taga timpla ko ng coffee at siya din ang tagapag-alaga ng mga pets ko dito."

"Ang Polar Bear mo ang naghahanda ng coffee mo?"


Biglang tumayo ang miniature Polar Bear at nag-anyong lalaki. Para siyang Albino sa sobrang puti niya. Kung hindi ako nagkakamali, si Albineus ay parang servant ni Kane.


"Kayo lang ba ni Albi ang nandito?" tanong ko kay Kane habang pumapasok kami sa bahay niya.


No, hindi ito bahay. Isa itong mansion na pag-aari ng kakaibang nilalang na si Kane Benavides.


"Aso at pusa lang ang kasama ko saka si Albi. Do you want something to eat? Di ba palagi ka gutom?" tanong ni Kane.

"Uhmmm, hindi ako gutom. I am fine. Busog pa ako sa lunch natin kanina---"


I stopped midway nang makita ko ang hawak ni Albi na isang banana cake with cream at isang tub ng ice cream. Napalunok na lang ako dahil bigla ata akong inatake ng gutom. Binaba niya ito sa table at iniwan kami ni Kane.


"First things first, let me tend your wounds," sabi ni Kane as he motioned me to sit on the sofa.


Sumunod naman ako sa kanya at nagulat na lang ako nang bigla niya kinuha ang braso ko. May bahagyang dugo dahil na din sa gasgas na natamo ko kanina.


"Baka may antiseptic cleanser ka?"

"I am capable of giving life to a dead flower. What made you think na hindi ko kayang pagalingin ang simpleng sugat mo?"


Biglang lumiwanag na naman ang kamay ni Kane. The same soft light na nakita ko kanina. Within seconds, I felt a warm and soothing warmth on my wounds. Kasabay ng pagkawala ng liwanag, nawala din ang sugat ko sa braso.


"Kane? How did you..."

"I told you I am an immortal god."


Kane is a immortal god? Immortal god ng mga hayop at halaman?

Four Forever [Completed]Where stories live. Discover now