34 - Fire - Ringtone

2.3K 130 13
                                    

(POV Camilla)


Blaze Azevedo is my Physics professor, but it seems that he will take over my Chemistry class as well. In other words, siya ang professor ko sa first at last subject ko.


Casual na nagturo si Blaze ng kanyang mind-boggling Chemistry lessons. He is an immortal god, and yet, this man is really talented when it comes to science shits. Habang nasa kalagitnaan ng kanyang lesson, biglang tumunog ang isang phone na may classic song ringtone na Eternal Flame.


Close your eyes, give me your hand, darling.

Do you feel my heart beating?

Do you understand? Do you feel the same?

Am I only dreaming? Is this burning an eternal flame?


"Class, how many times do I have to tell you not to use your mobile phones during my class?" seryosong tanong ni Blaze sa amin.


Blaze advised us before that we can bring food or snacks sa class niya, but he warned us that he will confiscate our phones kapag nakita niya kami na ginagamit ito during his class.

I think this is a fair request from our professor. Kung sino ang gumagamit ng phone niya, malamang nagpapapansin na naman siguro kay Blaze at gusto kunin ang attention niya.


"Ms. Villarosa? Would you like to take your phone call?"

"Po?"

"Your phone is ringing. Baka gusto mo sagutin?" sabi ni Blaze sabay nguso sa desk ko.


My eyes widened when my phone suddenly appeared on my desk. Ang alam ko, nasa loob ito ng bag ko at naka silent mode. Last time I checked, wala din akong ganitong ringtone. I looked at him and he looks very serious, pero hindi niya maitago ang faint sly smile sa kanyang mga labi.


"I am sorry po, Sir Blaze. Emergency call," nakangiti kong sagot sa kanya, pero gigil na gigil na ko.


Gusto mo ko maging fiancee pero pinagtitripan mo ko? Nakakatuwa kang, elemento ka!


Mabilis kong tinurn-off ang phone ko at ibinalik sa bag ko. Alam ko na si Blaze ang may kagagawan nito. Gusto niya akong magmukhang pasaway sa harap ng lahat ng mga kaklase ko. Walang din naman silbi na magpaliwanag sa kanya dahil lumitaw sa desk ko ang phone ko na parang isang magic.


Ano kayang trip nitong mokong na ito?


Ipinagpatuloy ni Blaze ang kanyang lessons habang umiikot sa buong classroom. Hindi na ako masyadong nakikinig sa kanya dahil nag-aaral na ako ng advance sa Chemistry class. Nagulat na lang ako nang lumapit siya sa akin at tumayo sa harapan ko.


"Ms. Villarosa, please proceed to the guidance counselor office after this class," mahinang sabi ni Blaze.


Lahat ng mga classmates ko ay nakatingin sa akin as if may masama akong ginawa. Even Zia and Kenneth both look worried for some unknown reason.


"Ha? Ano na naman po ang ginawa ko?" gulat kong tanong kay Blaze.

"I don't know, you tell me."


Sasagot pa sana ko ng isang maanghang na salita, pero napagtanto ko na nasa ibabaw na naman ng desk ko ang phone ko.

Pansin ko din na medyo badtrip si Blaze ngayon. Hindi ko alam kung bakit, pero parang ako ang ginagawa niyang outlet sa frustrations niya.


"Sir Blaze---"

"Camilla, if you really need to use your phone, you can politely ask me. I will allow you to use it sa labas ng classroom," mahinahon na sabi ni Blaze sabay kuha ng phone ko.


Hindi na ko sumagot kay Blaze. Kung aawayin ko siya sa harap ng mga classmates ko, ako lang ang magmumukhang masama sa paningin nila. Walang maniniwala sa akin dahil isang impaktito ang kalaban ko.


"I am sorry po, Sir Blaze. Stressed lang po ako. Pasensya na po at hindi na mauulit," naiiyak kong sagot sa kanya.

"Sa guidance counselor mo kunin ang phone mo after your class. To be fair, you will be given a sanction for disobeying me," sabi ni Blaze.


Tumango lang ako sa kanya. Naiiyak ako dahil sa inis at sa kahihiyan na inabot ko dahil kay Blaze. I can feel that something is bothering him. He looks miserable and enraged at the same time, pero hindi na talaga ko natutuwa na pinagtitripan niya ko. Hindi ko siya pwede ipa-assassinate dahil immortal siya.


Ano ba ang gagawin ko para mawala sa landas ko ang impaktong ito?


Teka, gusto ko nga ba mawala si Blaze Azevedo sa buhay ko?

Four Forever [Completed]Where stories live. Discover now