22: Just Simple Things

8.8K 323 276
                                    

Sorry for all the errors!

#TCS22: Just Simple Things

Luminous Erina's POV

Nasa supermarket ako ngayon para mamili ng mga ingredients na gagamitin ko para sa pagluluto. Syempre kailangan ko ring magamit 'yung mga aurous na kinita ko dahil sa mga karupukan nila. HAHAHA.

Joke lang sympre. Slight.

I was pushing the cart and putting the products that I need peacefully. I made sure that the vegetables were fresh and good, also the meat, chicken and such. Tahimik at seryoso lang akong namimili nang bigla na lang may nambulabog.

"Hey!" He greeted near my face. I made face at him and pushed his face back.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko at saka s'ya nilampasan at tinulak lang 'yung cart na pinaglalagyan ko ng mga pinamilhan ko. I felt him followed me while chuckling.

"Ayaw mo na ba akong makita?" Paawang ang labi ko tanong n'ya sa 'kin at saka binalandra na naman 'yung mukha n'ya sa harap ko. Natawa ako sa kan'ya at saka ko hinawakan 'yung chin n'ya.

"Nakakasawa na 'yung mukha mo kasi." I told him then took three packs of snacks. It was his turn to look at me with a grumpy face. I giggled at his reaction. Cute. Joke lang naman 'yung nakakasawa mukha n'ya.

Jusko, ikaw ba naman biyayaan ng gan'yang mukha eh.

"What are you doing here?" He asked then grabbed some things from the shelves and included it inside my cart. Kinuha ko 'yung kinukuha n'ya tapos binabalik ko. I don't need that! Kulit!

"'Wag ka nga mang-gulo, hindi kailangan n'yan." I told him because he kept grabbing unnecessary items and placing it inside the cart.

"Masarap kaya 'to." Dahilan naman n'ya, napakamot naman ako sa ulo.

"Kael." I warned, he looked at me with puppy eyes.

Oh my gosh! Anong laban ko sa ganyan n'ya!?

In the end, ang dami n'yang nilagay na hindi kailangan. Jusko. I just took note of it mentally. Iiwan ko 'yun sa cart, hindi ko babayaran. Sayang din 'yung kinita ko kay Honoka, Eon at Harper ano. Idagdag mo pa na kaunti na lang makakakuha na rin ako kay Second.

Ako na talaga bubuhay sa 'min ni Kael. Wala naman kasi ginawa 'tong isang 'to kung hindi makipaglaro ng taguan do'n sa mga pinsan at kababata nila. Minsan nga gusto ko na lang ibalot 'tong mga 'to at ibigay ro'n sa mga pasaway na 'yun.

"Luna."

"Hmm?"

"Date tayo?"

"Mukha mo."

"Gwapo?" Natatawang banat n'ya. Inirapan ko s'ya ng pabiro pero may maliit na ngiti naman sa labi ko.

"Ewan ko sa'yo." Iiling-iling na sabi ko.

"Pagpapalit mo na naman ako sa mga pasaway mo?" Sus! Parang 'di naman n'ya kilala kung sino mga pinapakain ko sa bahay ko. Edi 'yung mga pinagtataguan nila.

"Mukha bang kapalit-palit ka?"

"Then let's go!"

"Ayoko, marami pa akong lulutuin sa bahay."

"'Wag don!"

"Ay hala s'ya, sa'n ako magluluto?"

"Sa 'min." Nakangiting suggest n'ya.

"Ayoko uubusin n'yo lang ni Eon at Gabby."

"No. I swear, Luna." He clasped his hands together. I smiled at him.

The Crown SinnersWhere stories live. Discover now