Chapterbels 73: When He Finds Out

4.2K 93 13
                                    

Chapterbels 73: When He Finds Out

Amber's POV

Nakalipas ang isang linggo, officially tapos na ang 2nd sem. At hanggang ngayon, nakakainis kasi hindi ko pa rin nasasabi kay Trex ang tungkol sa Stanford. Madaming instances na sasabihin ko na sana pero hindi ako mapalad na mabigyan ng perfect timing.

As of the moment, nakakalimutan ko na rin minsan ang tungkol doon at sana ganun din si Trex. Nung isang araw, pumunta kami sa bookstore and he bought medical books.

Ngayon ko lang din napansin na most of his books are medical books and other things about medicine. He he he. No big deal. Right guys?

Busy ako sa kakahabol ng requirements last week ganun din si Trex. Yung ibang prof kasi nila, hindi naman nagbigay ng credentials sa pagkapanalo nila sa U-Cup. Ayun, habol habol din ng grades pag may time!

Today, nagyaya sila Macy at Peyton sa CC Mall. We ended up on Starbucks, nandito kasi si Kai. He's working here part time.

"I hate this dayyy!!!" Macy said and threw out her phone on the table. Kanina pa nakabusangot si Macy.

"Malimit na kayong mag-away ni Dave. I think that's not healthy." sabi ni Peyton sabay sipsip ng frap niya.

"Siya naman kasi. Kapag siya yung nagbabawal saken about guys sinusunod ko. But now I just found out na nakikipag-meet siya sa mga fansclub ng Luther from different schools! Sinong hindi magagalit?!"

"Ang alam ko, silang lima ay papalit-palit tungkol sa pag visit ng fansclub. Trex also said na makikipagmeet siya sa mga fans niya. Tsaka ganun talaga after ng Championship. They should thank the people who supported them." paliwanag ko.

Nakita ko naman si Kai na dala yung frap namin ni Peyton. Medyo okay na si Kai sa Mom ni Peyton but they both agreed na after graduation nalang sila maging official. Going strong naman ang dalawang ito kahit walang labels and such compared sa medyo inaalon na barko nila Macy at Dave.

"Mocha frap for Amber and Macy~" sabi pa ni Kai sabay kindat kay Peyton.

Mukhang timang na naman si Peyton at sumandal pa saken after Kai left. "Ang hot ng boyfriend ko. Grabe! Kasing hot ng coffee na sine-serve niyaaa~"

Umirap nalang si Macy at uminom ng coffee. Nag-iba kami ng topic pero hindi ako makarelate. Mahilig kasi tong dalawa na toh na umorder sa internet ng mga damit. Tumingin nalang ako sa labas dahil nasa tabi lang naman kami ng glass window.

Nanliit ang mata ko ng makita kong may grupo ng lalaki na palapit sa store na may napakaraming balloons.

T-Teka-- ang Luther Tigers ba yan???!??!?

"Ah-- guys--" pagtawag ko sa dalawa kong kasama pero nanatili yung mata ko sa kaguluhan sa labas.

Still A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon