Chapterbels 72: Because of You

4.7K 104 14
                                    

Chapterbels 72: Because of You

Trex's POV

Haaaaaaay sa wakas. Tapos na ang Final Exams. Shet. Tamang tama. Summer na. Sarap mag-unwind. Ang daming nangyari saken sa buong semester na toh.

Pero alam niyo? Ito ang pinakamasayang semester ng buong college life ko. Biruin niyo ba naman, girlfriend ko na si Amber. Wala na akong mahihiling na iba pa.

Nagmadali akong pumunta sa Cafeteria. Nagtext kasi si Amber na nandun sila nila Peyton.

Naabutan ko sila na bukas ang kanya-kanyang laptop. "May research ba kayong ginagawa?!" tanong ko as soon as I sat down on the other side of the table.

"Hindi. Tignan mo tong pinsan ko. Si Pauleen. Kakatapos lang nung prom nila. Grabeng sexy niya." pinakita saken ni Peyton yung laptop niya.

"Kamukha mo ah."

"Syempre. Parehas kaming maganda." *u*

Nagpoker face ako at umirap. "Pabida ka na naman dyan eh. Wala naman akong pake sayo." sabi ko. Natawa nalang si Macy sa pambabara ko. "Sino yung kasama niya sa picture? Boyfriend niya?!" turo ko dun sa lalaki.

"Oo. Usap usapan sa school nila na may something sa kanilang dalawa. Si Kurt yan. Pogi noh?"

(A/N: Check out "Mistaken Letter" written by ImGigiPadilla, nakakatuwa yung story. Feel good siya. Sarap basahin! xxx)

Nagkibit balikat nalang ako at humarap kay Macy. Busy din siya sa pagtatype. "Wow. Sipag." I taunted.

"Oo. Leche kasi yung kaibigan mo. Ipagawa ba naman saken tong term paper niya?"

"Lagi nalang kayong nag aaway ni Dave."

"Tss. Hindi ako ang nang aaway. Siya yun." napairap nalang ako. Ganyan na ganyan yung sagot ni Dave saken kahapon.

Hindi ko na pinansin yung dalawa at humarap na kay Amber. Nakatapat ako sa kanilang tatlo habang magkakatabi sila sa kabilang side.

"Kumusta ang girlfriend ko?!" paglalambing ko pero parang hindi niya ako narinig at nakatitig lang siya sa laptop. "Huy. Amber Jane!" I waved my hands para maagaw ko ang atensyon niya pero waepek.

Lately she's being busy about something. I don't what it is pero sana isu-surprise niya ako. Iniisip ko palang kinikilig na ako sa surprise niya. :">

"Amber Jane pansinin mo naman ako oh~" binaba ko yung screen ng laptop niya at medyo nagulat siya.

"H-Huh? Ano?!" tuluyan niyang sinarado yung laptop and she looks absolutely clueless.

Still A GirlWhere stories live. Discover now