Chapterbels 38: Moving On

8.7K 110 45
                                    

Chapterbels 38: Moving On

Trex’s POV

I shut the door and leaned over just to be sure that no one will open it. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Damn this. The effect never leaves. The effect never got out of my system.

Tangina ka, Trex. I cussed myself.

Agad kong nilabas mula sa bulsa ko ang kwintas na hawak ni Amber kanina. Sa lahat ng tao na pwedeng makakita nito, siya pa talaga? Sa kanya nga toh pero—pero… AISH.

Tinapon ko ang sarili ko sa kama at gumulong-gulong doon. Ang bobo mo Trex! Halatang bitter ka ampota! Dapat man lang ngumiti ka! TANGINA MO! >___<

Suddenly, I heard my phone ring. Agad akong nagmadali na kunin iyon sa bag ko at sagutin.

“Eren?!”

“Trex! Nakauwi ka na?”

“Oo. Wala kaming practice ngayon. Ikaw? Tapos na yung meeting niyo?” Sumalampak ulit ako sa kama. Inihatid ko siya sa Loen University kanina kasi may meeting siyang pinuntahan.

“Oo. Napaaga nga eh. Buti wala kayong practice at least makakapagpahinga ka.”

“Wait, ihahatid na kita sa sakayan ng jeep.” Tatayo na sana ako.

“W-Wag na! Kaya ko na!”

“No. Give me ten minutes. Malapit lang naman yun sa subdivision namin kaya okay lang din.” Agad kong binaba ang phone ko and race downstairs. Naabutan ko sila Amber doon na naglalaro ng PS3 kasama si Cleo.

“Kuya? Aalis ka?” Cleo asked ng mai-pause nila ang nilalaro nila.

“Yeah. Ihahatid ko lang si Eren.” Nakita ko naman na sumimangot si Cleo.

“Eren again?” she asked.

Tinaas ko ang kilay ko. “Why not? May problema ka?!” pagtataray ko.

“Wala naman. Share lang. Tss.” She pouted at nagpatuloy na ulit sila sa paglalaro. Lalabas na ako ng marinig ko ang boses ni Amber.

“Ingat ka Trex!”

(=______=)~~

Natigilan ako pero hindi na ako humarap. Tinaas ko nalang yung kamay ko at nagwave. “Geh. Salamat.” Tapos tumakbo na ako palabas.

*gulo buhok*

Still A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon