Chapterbels 39: The Day Before Opening

8.8K 106 76
                                    

Chapterbels 39: The Day Before Opening

Amber’s POV

Nakalipas ang ilang linggo at bukas na ang Univ Cup Opening. Excited ang lahat, pati mga faculty ng school tumutulong gumawa ng banners. Nakikisali din naman ako. Nakakatuwa talagang tignan kapag napagsasama ng school spirit ang buong Luther.

Nag-ring ang bell, kailangan na ulit naming bumalik sa klase.

Pagpasok ko ng class, dumikit na naman saken na parang linta si Arki. Oo, si Archimedes. Ang malanding linta ng Sociology class ko. Simula noong first day, hindi na siya pumalya sa pagsira ng araw ko.

“Hi Amber.” Ngiti nito saken.

“Problema mo na naman, Mendoza?”

“Wala naman, teka ano toh?” he stretched out his arms at hahawakan niya sana yung mukha ko. But my reflex was faster kaya nahawakan ko kaagad yung kamay niya bago niya pa mahawakan ang pisngi ko.

“Stop right there. What do you think you’re doing?!” =_=

“May pintura ka sa pisngi Berber.” Ayan na naman siya sa nakakasukang tawag niya saken. Ang katwiran niya, meron daw Mama Bear, Papa Bear, Care Bear at Gummy Bear. Dapat daw kasali ako. AM BEAR daw yung saken. Minsan, BERBER naman ang tawag niya. Nang’yan. +_+

“Manahimik ka nga.” Tinignan ko yung mukha ko gamit yung phone ko. Tinanggal ko iyon at humarap sa kanya. “Ayan. Okay na. Manahimik ka na. Shoo.” Pagtataboy ko sa kanya.

“Sus.” Nagpout siya at umayos na ng upo. “Nga pala, manunuod ka ng Opening bukas?” pahabol niyang tanong.

“Oh ano naman sa’yo?”

“Tabi tayo.” :3

“Tabi mo mukha mo.”

“Dali na Berber, tabi tayo.”

“’Pag hindi ka pa tumigil sa kaka-Berber mo, malilintikan yang mukha mo!” agad siyang napaatras ng marinig niya yung pagbabanta ko.

Napahawak siya sa mukha niya. “Amber naman! ‘Wag mukha ko!” sabi niya.

Napangiti ako ng kusa. May naaalala ako.

“Ayieeee. Nangiti, may gusto ka saken noh?!” agad namang nawala yung ngiti ko ng marinig ko yun.

“Ako? May gusto sayo? Etong kamao ko, gusto ka. Gusto kang sapakin. Bouisette.” Natigil siyang mangulit ng nag-ring yung phone niya.

Still A GirlWhere stories live. Discover now