Chapterbels 12: Triplets Mall Date

13.3K 182 16
  • Dedicated to Para sa lahat ng super tiyagang readers! Thank you!
                                    

Chapterbels 12: Triplets Mall Date

Amber’s POV

Luther University Gym. 0324 PM.

“AHHHHHHHHHHHHH! MARRY ME DAVE!!!!!! SAYONG SAYO NA AKO! GOOOOOO!” napatingin kami pareho ni Peyton sa baklang di kalayuan lang sa amin. Grabe kung makasigaw kay Dave parang maghuhubad na at ready to payt. =_=

“Juskupo. Pati bakla baliw na baliw sa mga Varsity na yan. Kakalurkey.” Peyton exclaimed sabay hawak sa noo niya.

“I feel you there.” pagsang-ayon ko. Ramdam ko naman ang paglapit nito at pagyakap saken.

“I feel you more Amboy!” sabay ngiti at pa-cute nito saken. =_=

Halos one week na kaming ganito ni Peyton, pag magkasabay ang vacant namin, eto at parang epoxy kung dumikit saken. Haaaaaaay.

“Lumayo ka nga ng konti saken! Bwisit ka!” sigaw ko dito pero ayaw paawat, nakayakap padin sa braso ko. Ugh. Patulong naman oh. Tch.

“AHHHH! OLLY! GOOOO!”

“OLLY! PAG NAKASHOOT KA MAY FRIED CHICKEN KA SAKEN!”

Napahinto si Oliver sa pagtakbo at lumingon sa mga fangirls niya. “TALAGA?! BIBIGYAN NIYO KO?!” sabi pa nito habang nakinang ang mga mata.

Tumango lang ang mga fangirls niya habang nagpipigil ng panggigigil sa kanya.

“Sige! Salamat!” (^__^)/

At isa-isang nahimatay yung mga babae habang tumalikod na si Oliver at nagtatakbo ulit sa kabilang court. Nga pala, nandito kami sa gym. Practice game lang nila, malapit na nga yung laban nila eh.

“Grabe si Oliver, kilabot ng mga noona!” sabi ni Peyton.

“Lahat naman yata sila.” sagot ko.

“Well, si Vinchie kilabot ng mga nerd at freshmen. Si Joffer, kilabot ng lahat ng mamalanding babae. Si Trex, well… kahit na madaming nagtataka sa gender niya madami pa din siyang fans. At syempre si Dave na sobrang pinakasikat sa kanilang lahat.”

“Grabe Peyton, pwede ng prologue yan ng story na toh ah.” walang gana kong sabi. Tss.

“Ang laki ng galit mo sa Varsity noh? Dahil ba kay Dave? Kasi binago niya si Macy?”

Napatigil ako saglit, pinaalala kasi ng bwiset na toh yung mga nangyari. Simula ng lumayo saken si Macy, madalas ko siyang nakikitang mag-isa. Hindi na siyang binubully, kasi lumalaban siya. Mas madalas pa siya sa Guidance Office kesa sa classroom. Lagi kasing nananampal at nang-aaway.

Still A GirlWhere stories live. Discover now