Chapterbels 70: Ambrex 101

5.5K 129 47
                                    

Chapterbels 70: Ambrex 101

Amber's POV


Nakaramdam ako ng liwanag at lamig kaya agad akong kumapa sa paligid para maghanap ng kumot. Binuksan ko yung kanan kong mata at napansin kong maliwanag na pala. Medyo masakit yung katawan ko.

Ano bang ginawa ko kahapon? Ang naaalala ko lang ay parang nagbasketball ako kagabi. Sino bang kasama ko? Leche.

Bumangon na ako at nagkusot ng mata. Ang weird pero napapangiti ako. Then, it hit me.

PANAGINIP LANG BA YUNG NANGYARI KAGABI?

Nakaramdam ako ng takot. Paano kung panaginip lang yun? Tengene nemen ser, paasa. Tss.

Humarap agad ako sa salamin at tinignan ko ang sarili ko. Halos wala na akong maalala nang makauwi ako galing sa clubhouse. Teka baka nga panaginip lang din yun?

Napatingin ako sa labi ko. Hinawakan ko iyon at automatic na tumibok ng mabilis ang puso ko. Ah shete. Ang landing panaginip noon kung nagkataon. Pesteng buhay toh!

Ginulo ko yung buhok ko at nagmartsa palabas ng kwarto ko. Sakto, nagluluto na siguro sila Manang. Gutom na ako. Heh.

Dire-diretcho ako sa lamesa at umupo. Taray ng maid namin, naghain din para sa sarili niya. Bahay niyo teh? De joke. Okay lang naman saken yun. XD

Nakakagutom makita tong fried rice na nausok pa. Tsaka tong bacon at omelet. Ano ba naman yan. Ano bang uunahin ko dito--



*tsup!*

"Good morning." nakaramdam ako ng marahang pagdampi sa pisngi ko. Kasabay ang pagbaba ng beef tapa sa harap ko.

Shet. For real. For real talaga yun. Hindi panaginip. Tanga mo, Amber. Haharap ka sa kanya na bed hair at bad breath! Yes! >////<

"Oh? Masakit ulo mo?!" tatayo na sana si Trex pero agad akong napangiti at pinigilan siya.

"N-No. I'm fine! Nagulat lang ako."

"Oo naman. Kung ganito ba naman kapogi ang sasalubong sayo sa umaga, magugulat ka talaga. Lalo na kung marerealize mo na boyfriend mo pa. Mahirap yan."

Napaikot yung mata ko eh. "Ang sagwa. Feeling ka talaga." sabi ko sa kanya agad.

"Asus. Kinikilig ka lang eh."

"Kanina ka pa?"

"Yup. Gusto ko ako magprepare ng breakfast mo. Para hindi lang mata mo ang busog, pati tiyan mo. Alam ko namang mukha ko palang ulam na eh pero ayokong magutom ang girlfriend ko noh."

Tignan mo nga naman. Walking air conditioning unit ang peg ng isang toh.

"Ulul." sabi ko. Ngumisi lang siya at nilagyan na ako ng fried rice. Inasikaso niya ako tsaka tumitig lang saken habang nakain ako. Ang creepy. Tss. "Umayos ka nga. Stop staring at me." =_=

"Wag mo na akong pansinin. Kumain ka lang dyan." and he smiled at me. Tanginang lalaki toh nakakatunaw yung ngiti amputa!

"Kumain ka na?"

"Makita lang kita na busog, busog na din ako Libertad. Kain ka lang dyan."

Umirap ako at tsaka nilagyan din siya ng fried rice sa plato. Ngumiti siya habang inaasikaso ko yung plato niya.

"Parang tayo yung bagong kasal. Daig pa natin sila Dad. Dumiretcho na sa hospital si Dad kanina para magtrabaho tapos tayo eto. Haha."

"Nakauwi ba si Arisa?" I asked out of the blue.

Still A GirlWhere stories live. Discover now