Chapterbels 17: A Place in Her Life

12.2K 173 27
                                    

Chapterbels 17: A Place in Her Life

Joffer's POV

Luther Tigers Locker Room. 0534 PM.

Tahimik lang ang lahat ng makapasok kami sa locker room. Maliban nalang sa tunog ng ice pack na nakalagay sa pisngi ni Trex. Teka? Bat ako ang nagp-POV dito?! Tss. Ang hassle. =_=

"What the heck just happened?" tanong ni Vinchie habang nakaupo sa bench. Tinapon niya sa sahig yung towel niya tsaka sinipa ang water jug.

Napapikit si Oliver na may benda sa tuhod. "V-Vinchie! Calm down!" awat niya kay Vinchie.

I heard Dave sighed. "Okay. Gusto kong maka-usap saglit si Trex. Sa ngayon umuwi na muna tayo." sabi niya. Inakay si Olly ng iba naming kateammates, sumunod ako at si Vinchie. Sinarado ni Trex ang pinto. Haaaaay. Ang gulo ng mga nangyari.

Mula sa locker entrance, natanaw ko si Cleo, yung kapatid ni Trex na tumatakbo. Ngayon ko nalang ulit siya nakita ah. Lumaki na siya. Well, simula ng maging busy ako sa—ehem... mga babae ko, hindi na ako nakakasama sa bahay nila Trex.

"Where's my Kuya?!" tanong ni Cleo saken.

"Nasa loob—oyooo!!!" nagsasalita pa lang ako eh papasok na siya sa loob kaya hinawakan ko yung bewang niya at hinila siya palapit saken.

"Bitawan mo nga ako!!!" pagpupumiglas niya. Aigoo this kid~ ;;

"You can't go inside Cleo!" sabi ko habang hirap na hirap kong hinihila palayo sa locker room namin. Baka magalit saken si Captain pag naistorbo sila.

"But I'm his sister! Put me down!!!" sigaw nito.

"Shhh—" tinakpan ko yung bibig niya at tuluyan siyang binuhat palayo. Aish ang bigat ng babaeng toh. Anak ng tokwa. +_+

"Qwertyuiopasdfghjkl!!!" hawak ko parin ang bibig niya paglabas ko ng lockers, inupo ko siya sa waiting lounge ng arena. Kakaunti na ang tao, na-cancel ang game kaya maaga din silang umuwi.

"You're such a handful... and heavy!" I exclaimed habang hingal na hingal.

"Sino ba kasing nagsabi na buhatin mo ako? Kakausapin ko si Kuya Trex eh!" pagmamaktol niya. Tatayo na ito pero nahawakan ko agad ang braso niya.

"You'll stay here. Kukunin ko lang yung gamit ko at aalis na tayo." nagulat siya sa sinabi ko.

"BWOH? WITH YOU?"

"Pwede Cleo? Madaming problema ang Varsity, lalo na ang Kuya mo. Kakausapin pa siya ng University Cup committee."

"I'll wait for him! Nakita ko sa TV may dugo ang mukha niya!!!"

"Nagamot na namin ang mga sugat niya." nawawalan na ako ng pasensya sa dami ng demands ng babaeng toh eh. Naka-ilang irap na ako. >__>

"Eh di gusto ko lang siyang makausap."

"My God Cleo, Trex is busy! Ihahatid na kita sa bahay niyo. UGH." hinila ko siya papuntang parking lot. Ngawa padin siya ng ngawa na gusto niyang makita si Trex.

"JOFFER NAMAN EH!!!" iyak niya sakin. Hila-hila ko padin siya.

"Stop wining, iuuwi na kita." malamig kong sabi.

"HOY JOFFER!!!" napatigil ako ng may marinig ako. Humarap ako to see Amber storming towards me. "Where are you taking Cleo?!" galit nitong sabi.

"A-AMBER!!! MY HEROOOOOO!!!" tili ni Cleo.

/(=___=)\ Aish. Noisy girl.

Hinablot ni Amber si Cleo mula sa pagkakahawak ko. Yakap naman siya agad kay Amber. "Amberrrr!!! You saved me!!!" tuwang-tuwa nitong sabi.

Still A GirlWhere stories live. Discover now