Chapterbels 59: Unexpected Guests

6.9K 106 25
                                    

Chapterbels 59: Unexpected Guests

Trex's POV

Nakakabagot. Balik eskwela na naman. Meron parin akong holiday hangover. Simula na naman kasi ng bugbog na training para sa semis. Bale pasok na ang defending champions na Griffin Academy, Esburgh University, Dameon Institute at syempre ang Luther University.

Griffin vs. Dameon ang maghaharap sa unang round. Best of five ang series. Samantalang Esburgh ang kalaban namin. Kung sino ang dalawang grupo na mananalo sa first round ang maglalaro sa finals.

Nakakaexcite na nakakakaba. Gusto naming mabawi ang championship sa Griffin pero kahit wag na. Wala na naman yung babawian ko dun eh. De joke. Syempre all eyes on the prize dapat. Champion dapat!

Pagpasok ko ng Anthro class namin naabutan ko kaagad ang madaldal na Team Ambrex. Naging close na nga officially sila Peyton at Macy. Yung tipong wampake na kay Amber. Ganun. Mga walang utang na loob, kundi naman kay Amber ay hindi kayo magkakapalagayan ng loob. =_=

Yung si Henry at yung pinsan kong si Arki close na din. Bromance. Lagi nalang magkasama kahit siguro sa banyo.

Agad nagtilian ang mga lower years na nakatambay sa labas ng pumasok sila Dave, Joffer, Oliver at Vinchie. Agad nanlisik ang mga mata ni Macy. Yung mga tingin niya parang nilalagyan ng fence si Dave para walang makalapit. Possessive. *iling iling*

Sumunod na pumasok si Amber at diretchong umupo sa tabi ko. Parang may nagbago sa itchura niya. Umayos ako ng upo at tinitigan siya.

"Wow. Nagsusuklay ka na pala ng buhok ngayon? Cool. Marunong ka pala nun."

"Tatamaan ka saken Isidro. Ayusin mo 'yang pananalita mong hayup ka." inis nitong sagot.

Natawa nalang ako pero parang natigilan siya at napaharap sa pinto. Pagtingin ko, pumasok si Eren sa room at diretcho din sa upuan niya na nasa tabi ko. Ewan ko pero kahit may awkward atmosphere, hindi na ganun kabigat iyon. Nararamdaman kong medyo okay na si Eren ngayon.

"May problema ba?" tanong niya sa amin ni Amber dahil parehas kaming nakatingin sa kanya.

Sabay kaming umiling. "W-Wala naman. Bat ngayon ka lang pumasok?!" tanong ni Amber.

"Ah. Sumali ako sa math competition bago mag Christmas break kaya hindi muna ako pumasok sa mga klase ko. May make up classes naman na binigay sa akin si Miss Aisah para makahabol ako sa lectures niya eh." paliwanag niya.

"Eh?! Wow. Nanalo ka?" masayang tanong ni Amber.

"Oo. 1st place." nanlaki din ang mata ko gaya ni Amber dahil sa sagot niya.

"Talaga?! Wow! Congrats. Pa-burger ka naman." biro ni Amber.

Still A GirlWhere stories live. Discover now