Author's Note

4.6K 112 63
  • Opgedragen aan To all my SAG FRIENDS! T_T
                                    

First of all, salamat sa walang ending niyong pagbabasa sa Still A Girl. Umabot siya sa number na hindi ko talaga ine-expect. Gusto ko lang talagang mawala ang writer's block ko noon sa Spy*Spy kaya ko napagdiskitahan ang f(x) at Shinee pero grabe yung response niyo. OVERWHELMING. Parang si Peyton lang eh, OA much. =_=

Hindi ko na tatanungin kung ano bang nakita niyong kakaiba sa Still A Girl at binasa niyo siya hanggang dito pero magpapasalamat nalang ako sa support ninyo.

Memorable saken yung story pero mas memorable yung mga naging kaibigan at ka-close ko dahil sa Still A Girl eh. Bukod sa pagbabasa, nagbigay pa kayo ng friendship. Enebeyen geys. Salamat sa pagkakaibigan! Hindi niyo alam kung gaano ako kasaya na makilala ko at malaman ko ang mga kabaliwang tinatago ninyo sa mga magulang at mga kaklase niyo. Seryoso. Kahit mga baliw kayo, love na love ko kayo.

Eren Revolution participants. Hanggang sa susunod na pakikidigma. De joke. Tsaka sa mga Haters ni Arisa, hahahahaha. Grabe mamimiss ko kayo. Kung pwede ko kayong isingit lahat sa story nagawa ko na eh.

Wala po akong book 2. Pagoda na po ako. De joke. Pero wala talagang book 2. Special chapters meron siguro pero after 1 or 2 years. Madami pa akong bagong on going sa utak ko. HAHAHAHAHA.

Basta guys 'wag niyo kong kakalimutan kahit tapos na tong SAG ah. Pepektusan ko kayo isa-isa. Tsaka kung naghahanap kayo ng bagong KeyBer na story meron akong alam. Click niyo yung external link. Magsa-start palang siya. Mas astig siya kesa dito I can feel it. Puro kasi malalanderts at torpe ang nandito eh. Doon medyo maangas. Title niya, 'SECRETS'. Si @pseudostoic yung may gawa. Abangers kayo ah. Maganda yun for sure! :)

Basta pag namimiss ko kayo dadaan nalang ako sa message board niyo. Paramdam din kayo ah. Sobrang ever ever mamimiss ko talaga kayo. ANG DRAMA KO LECHE. ;A;

Sige na nga. Babye na nga. Basahin niyo yung iba ko pang on-going kung may time kayo. Dun naman kayo magwala para di ko kayo mamiss. T_T DE JOKE! Hahahahahaha.

Geh. Babye na. Completed na toh. Nakatapos na naman ako ng story. Ano na bang gagawin ko sa buhay ko? Ah oo nga pala. Mag-aaral na ako. De joke. XD

-CC ♥

Still A GirlWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu