Chapterbels 36: Ship Sink

9K 105 63
                                    

Chapterbels 36: Ship Sink

Amber’s POV

Nagmamadali akong pumunta sa gallery ni Kris dahil daw may emergency daw doon. Tumawag ba naman saken si Peyton na puro sigaw lang ang naririnig ko. Basta ang sabi niya…

“AMBER JUTHKO PUMUNTA KA SA GALLERY NI KRIS EMERGERD MAY SUNOG SI MANG KANOR PATAY NAAAA AMBER BILISAN MO!!!”

Oh sinong hindi matatanga sa tawag na yun diba? Given naman na tanga na since birth si Peyton pero unusual kasi na tumawag ng ganoong kaaga si Peyton para lang mang-trip.

Nakakainis, nabitin tuloy yung kwentuhan namin ni Eren. Ang saya niya palang kausap. Kaya siguro naging close agad sila ni Trex. Hindi siya mahirap pakisamahan.

Hindi siya mahirap mahalin.

Luh. Daming alam ng utak ko. Kung anu-ano mga pinagsasasabi. Luh. =_=

Pero di nga, nakaka-inspire siya ng tao. Now I know kung bakit interesado si Trex sa kanya. I wouldn’t be surprise kung ligawan siya ni Trex… after all… she a better girl than me.

Nakarating ako sa gallery ni Kris na halos wala ni isang tao ang nadaan. Ni walang tao sa street. Anak ka naman talaga ng tokwa’t baboy, chicharon, hopia, mani, popcorn oh. Akala ko ba may sunog? Akala ko ba patay na si Mang Kanor? Asan na ang burol? Funyetuuuuh. +_+

*clak*

 

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng gallery. Ah shit. Hindi uubra saken ang pananakot niyo guys. Hindi naman Halloween, ang babaduy eh. Tss.

“Hoy Peyton Jimenez, kung trip mo ‘ko, galingan mo naman ang pananakot mo.” Sabi ko at nagyabang pa. “Yung tipong iiyak ako sa sobrang takot.” Dagdag ko pa.

Walang sumagot kundi oxygen. Naiinis na ako kaya nag-martsa na ako papasok ng gallery. Nagulat ako ng wala na ang mga nakasabit na nursery drawings ni Kris sa palibot ng mga pader. Don’t tell me na-sold na? May mga taong nakaka-appreciate ng drawing ni Kris? Mga aliens ba? Weh? Di nga?

All of sudden, nakarinig ako ng piano. PIANO? Paano nagka-piano sa lugar na toh?

Pagtingin ko ulit sa likod ko, nakita ko nakaupo si Kai at nagpapiano sa likod. Ibig sabihin ng likod, yung mismong kalsada. Tangina, paano nila nailagay ng ganoong kabilis yung putapeteng piano na yun??!?! O_O

“Kai—“ he motioned his fingers saying SHHHH. Napatigil ako at may narinig akong mga kumakanta.

Still A GirlWhere stories live. Discover now