Chapterbels 49: Compared to Her

8.4K 120 40
                                    

(HAD TO DELETE THE UPDATE AND RE-UPLOAD IT AGAIN. HINDI MAKITA YUNG PAGE 5.)

Chapterbels 49: Compared to Her

Peyton’s POV

“Ano ba Macy! Umayos ka nga!” sabi ko sa babaitang katabi habang nagtatago kami sa sulok. Ang baho ng paa niya. Tss.

“Shut up Peyton, pwede ba doon ka magtago! ‘Wag dito.” Inis na reklamo saken ni Macy. Oh! Hello readers! Nandito kami sa kwarto ni Amber. Isu-surprise namin siya kasi wala lang, trip lang namin, bakit ba!

Nakarinig ako ng footsteps at bumukas na iyong ilaw sa hallway. Buti nalang at kakunchaba namin yung guard sa bahay ni Amber pati yung ibang maids. Nakaramdam ako ng excitement, ayie pumayag din ang bruhang si Macy na sumali kaya kaming dalawa ang nandito.

Kj si Henry, lagi silang magkasama ngayon ni Arki. Yaan ko na nga silang dalawa doon.

“She’s coming~” bulong ni Macy. Agad kong hinawakan ang party popper at inihanda iyon. Gusto lang naming gulatin si Amber pagdating niya galing sa date niya kay Kris. Hehe.

“1… 2…3—“ *BOOM CONFETTI*

“SURPRISE AMBER!!!” sabay pa naming sigaw ni Macy.

( O___O) (  O____O)??

“A-Amber—“

Nakatayo lang si Amber habang punong-puno yung ulo niya ng confetti galing sa party popper na pinaputok ko. At—at natulo yung luha sa mga mata niya.

Hinampas ako ng malakas ni Macy sa ulo gamit yung 1.5 na bote. “YOU STUPID BITCH! TIGNAN MO GINAWA MO! GINULAT MO SI AMBER!” galit niyang sabi.

Kinuha ko yung 1.5 na bote at pinukpok din yung ulo niya. “PAGANTI AKO!” tsaka ko tinapon iyon at tumakbo kay Amber. Pinagpag ko yung mga confetti sa ulo niya. “Sorry Amber, hindi ko alam na madali kang magulat. ‘Pag nasa school kasi tayo hindi ka man lang nagulat sa beauty ko!” sabi ko.

I heard her chuckle tsaka pinunasan yung mga mata niya. “Haha. Kayo talaga.” Her voice choked. “Ayos lang ako. I’m fine.” Pero imbes na tumigil siya sa pag-iyak, mas lalo itong umiyak at yumakap saken.

Napatingin ako kay Macy at mukhang hindi niya rin alam kung bakit naging ganito si Amber.

“Amber—“ ramdam ko ang unti-unting pagkabasa ng damit ko dahil sa pag-iyak ni Amber, yung pag-iyak niya it’s like piercing my heart, hindi siya ganito—she never cries out loud.

“Amber did something happened?” tanong ni Macy. Nakatayo lang siya at nakatingin samin. “Tell me? Did Kris hurt you? I WILL KILL THAT SON OF A—“

Still A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon