Chapterbels 65: Wedding Prep Up

6.1K 116 68
                                    

Chapterbels 65: Wedding Prep Up

Trex's POV

Nakalipas ang ilang araw matapos ang Game 2, nanalo kami sa Game 3. Sweep. Sino ba namang hindi gaganahan maglaro? Nagpakita ang vitamin ko sa harap mismo ng bahay ko kinagabihan matapos kong maglaro ng Game 2.

Tinambakan ko yung Esburgh sa Game 3. Syempre dahil nandun si Amber at nanunuod. Kainis. Haha. Kinikilig ako. Feeling ko talaga, crush na ako ng babaeng yun eh.

Pero hayaan na muna natin ang ganitong status. Magulo kami pero ang saya saya ko. Ewan ko. Putangina. Wag kayong epal. :3

"Good morning Trex," bati saken ni Arisa na busy maglinis ng bahay. Nagpapa-impress na naman ang isang toh. =_=

"Hoy. Mop ka ng mop eh hindi mo pa nga nababasa yung mop. Trying hard ka talaga." Umiling nalang ako at dumiretcho sa kusina para uminom ng gatas.

Sumunod siya habang kaladkad yung mop. "Babasain ko naman yung mop talaga eh. Naunahan mo lang ako," irap nito saken. Natatawa ako sa isang toh. Maganda nga, boplaks naman. XD

"Oh by the way, Dad called. Nakasakay na sila sa eroplano. Mamayang gabi nandito na yun."

Binagsak ni Arisa yung mop at ngumuso. "Grabe. Halos isang buwan ako dito hindi ka man lang naakit saken? Uuwi na ako't lahat ang sungit mo pa rin!" reklamo niya.

I smiled at her. "Arisa naman. I said this a million times to you. Loyal ako sa babaeng yun. Kahit gaano ka pa kaganda, kung hindi ka si Amber, sayang lang effort mo." Lalo siyang ngumuso at namula.

"Well, you have missed your chance. Magmo-move on na ba ako sayo?"

I looked at her, amused at natatawa. "Know what? Ikaw lang yata ang kaisa-isang babae na nagpapaalam sa crush niya na magmo-move on na siya. Ibang klase!" I exclaimed.

"Hmp!" she turned her heel at lumabas sa kitchen habang kaladkad pa rin ang mop at isang timba ng tubig.

Pag-akyat ko sa second floor, naabutan kong nagkukwentuhan sila Cleo at Luna. Close na silang dalawa. And I wouldn't be surprised if dahil kay Luna, gumaan na ang loob ni Cleo kay Dad. After all, the wedding is in two weeks.

"Hi Kuya! Naghahanap na kami ni Luna ng mga damit for the wedding! Invited ba ang buong Varsity?"

I nodded. "I already gave them invitations. Macy and Peyton is also helping me with other preparations. Nagpatulong ba sa inyo si Tita Ariya?" I asked.

Pareho silang tumango. "Will the Varsity help out too, Kuya? I want to meet them!" Luna seemed thrilled.

"Yes. Bukas. Ang alam ko tutulong sila sa pag aasikaso ng reception, venue at iba pang errands. They'll be here often."

Still A GirlOnde as histórias ganham vida. Descobre agora