Chapterbels 64: Vitamin

6K 119 60
                                    

Chapterbels 64: Vitamin

Trex's POV

Pumasok ako sa Luther na medyo iritado sa dami ng taong bumati saken. Hindi pa kami panalo mga punyeta. 1-0 palang. Gusto lang nilang makahawak saken eh.

"Trex," tawag saken ni Olly habang naglalakad ako papunta sa Anthro class. "Hindi ka na talaga sumunod eh. Biro nila Dave mukhang occupied na ni Arisa ang attention mo nung gabi na nanalo tayo kaya hindi ka na sumunod," kwento niya.

"Ah talaga?" walang gana kong sabi.

"P-Pero biro lang naman nila yun. Bakit ba hindi ka na sumunod? Ang saya kaya ng party."

Hindi ko na siya sinagot dahil malapit na kami sa Anthro class. Disoriented ako buong weekend dahil hindi na naman sinasagot ni Amber ang tawag ko. Gusto kong mainis sa kanya pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil feeling ko may nagawa akong mali sa kanya. Ewan. Pucha.

"Good morning Oliver!" bati nila Macy kay Oliver samantalang ako yung unang nakapasok sa room.

Siguro nga quiet type ngayon kung magalit ang Team Ambrex. Halata ko naman na galit sila saken kapag may kumalat na naman na balita sa amin ni Arisa.

Tumabi ako kay Amber na busy maglaro ng 2048. May earphone pa siya pero alam kong naramdaman niya na tumabi ako sa kanya.

"Trex," tinawag ni Eren ang attention ko. "Congrats ah. Galingan niyo pa sa susunod na games," she smiled.

"Thanks. And by the way, hinahatid ka ba ni Nickhun sa sakayan? I'm a little worried about you noong makita kita doon sa Arena. You know I hate it when you stay up late dahil hindi 24/7 yung biyahe ng jeep papunta sa Banay-banay."

She smiled, "One thing na namimiss ko sayo ay yung pagiging maaalalahanin mo. It never failed to make my heart warm. And yes, hinatid niya ako hanggang bahay." She assured me and grinned.

"Oh? Nanliligaw ba yun?"

"Ewan. Sa tingin mo?!"

"Gusto mo tanungin ko siya?"

Hinampas niya yung braso ko. "Yah! Don't you dare!" she warned me.

"You want to try me?" I mocked her.

Natigil kami sa pagkukulitan ni Eren ng dumating si Miss Aisah at nagsimulang magdiscuss. She also announced that before Valentines, midterms na. Kaya etong si Eren nagkanda panic panic na.

"Aigoo. I am so focused with the quizbee I forgot about the midterms! Kulang kulang pa naman yung handouts ko!"

"Baka focused ka kay Nickhun kaya ka ganyan," I grinned at her tsaka niya ako hinampas.

Still A GirlTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang