Chapterbels 1: Priorities

2.8K 74 15
  • Αφιερωμένο στον/ην all my SAG FRIANDS!!! Happy Valentines Day!
                                    

Still A Girl Specials

February 2015

Chapterbels 1: Priorities

Trex's POV

Kakatapos lang ng surgery ko kanina and I was about to go back to my office when one of the nurse on duty appeared out of nowhere. Ang awkward kasi she's wearing some sort of a devilish grin at kapansin-pansin na naka-unbutton ang itaas na bahagi ng uniform niya. Yes. Cleavage. Trying hard na cleavage. Meh. >_>

"Do you need assistance, Dr. Isidro?" sabi niya habang dahan-dahan niyang hinawakan ang stethoscope na nakasabit sa leeg ko.

"Ah? No. Tapos na ang surgery ko, Anna." bored kong sabi habang hinihila ko yung stethoscope ko.

"You must be tired? Gusto mo ng massage? Magaling ako dyan." malandi niyang sabi at may paghimas pa sa dibdib ko.

"Sorry, pero sa licensed massage therapist lang ako nagpapamasahe o sa mga bulag. Kung gusto mo, dukutin muna natin yang mata mo para mabulag ka." pagsusuggest ko.

Agad siyang napa-atras. Ngumiti ako at iniwan na siya para dumiretcho na sa office ko. Leche. Kung hindi lang talaga nandito si Dad ay aalis na ako sa Laurent Hospital eh. Ang chikum ng mga nurse!

Hinanap ko kaagad ang phone ko at chineck. I rolled my eyes dahil wala ni isang text galing kay Amber. Mahusay! Mahusay na jowa! LECHE! =_=

Pinindot ko kaagad ang call button at umupo sa swivel chair ko para marelax naman ako. Ang tagal pang sagutin ng babaeng toh!

{"Yes, hello! Amber speaking?!"} she said.

"Amberrr... puntahan mo 'ko dito sa ospital!" pagmamaktol ko.

{"What?! Tangina mo! Nasa trabaho ako! Istorbo ka! Nagcocover ako ng banggaan tapos tatawag ka para mag-inaso?! Pakyu ka ten times plus five to the fifth degrees celsius!"}

"Hehe. Sweet mo."

{"Thank you."}

"Anong oras tapos mo? Sunduin kita?"

{"Mamaya pa eh. Mauna ka nang umuwi. Tetext kita kapag nakauwi na ako."}

"But—"

{"I'm fine. Do your job and I'll do mine! Sige na! Madami pa akong gagawin! I love you!"}

Agad din niyang binaba ang phone. Hinagis ko lang iyon sa desk ko at sumandal pa sa upuan. Grabe. Pinagpalit ko yung masahe na inaalok saken nung hot na nurse para sa babaeng tibo na photojournalist na walang time para saken?

Eh di wow! Poop emoji!

Just then, bumukas ang pinto at pumasok sa office ko si Cleo. Nakabusangot ang mukha niya at halatang hindi siya masaya.

Still A GirlΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα